NARRATOR: Isang ordinaryong araw para sa isang ordinaryong mag-aaral.
KENT: (malungkot)
GIAN: okay ka lang, pre? Ba't mukhang may pasa ka?
KENT: Okay lang ako.
GIAN: 'Di nga? Problemado ka ba? Sama ka sa amin mamayang gabi, may party kami
NICS: (pasimpleng nakikinig sa usapan)
KENT: Ano bang meron sa party na yan? Sasaya ba ako kung sasama ako?
GIAN: Oo, masaya dun. Makakalimutan mo lahat ng problema mo.
KENT: Sige, pre. Sasama ako.
GIAN: Ano nga bang problema mo? Ba't parang may pasa ka sa braso mo?
KENT: Wala 'to. 'Di nga ako pinapakialaman nung mga kaibigan ko eh. Buti ka pa nga napansin mo agad eh.
GIAN: Sila ba yung bumugbog sa'yo?
KENT: Hindi ah. Basta sasama ako mamaya.
NICOLE: (pasimpleng umalis)
GIAN: ‘Ge, kita-kits!
Meanwhile...
NARRATOR: habang naglolokohan ang mga Nicole na tila kinakabahan.MARKUS: Oh? Anong nangyari sayo? HAHAHA
JEKAY: Parang hinabol ng kabayo eh HAHAHA
NICOLE: Si-- si-- si Kent.
PAUL: si Kent yung hinabol ng kabayo?
GOODS: HAHAHAHA
NICOLE: Hindiii, may problema sya. Sasama sya sa grupo nina Gian mamaya.
YESHA: Gian? Sinong Gian? Yung mga loko-loko at kung ano-anong pinaggagawa sa sarili?
CHARISSE: Mukhang yun na nga. Eh? Ba't sya sasama dun?
NICOLE: Niyaya sya ni Gian na makiparty dahil dun daw nya makakalimutan lahat ng problema nya.
HANNAH: Shox. Kailangan natin syang mapigilan. Mukhang alam ko yung lugar na pagpaparty-han nila. Kita tayo mamaya, aalamin ko kung tama nga ang hinala ko. (Umalis)
NARRATOR: nang makaalis ang kanilang kaibigan ay dali-dali nilang hinanap si Kent upang kumprontahin ito.
MARKUS: Ayun sya! (Nilapitan)
GOODS: (sumunod)
PAUL: ano bang nangyayari sayo?
YESHA: Oo nga, nalaman lang naman namin na sasama ka kina Gian sa party nila mamaya.
KENT: Ha? Ano bang pakialam nyo?! Wala naman kayong alam sa mga nangyayari sa akin eh!
NICOLE: Anong klase kang kaibigan?! Matapos ng lahat, wala ka paring tiwala sa amin?!
CHARISSE: Kung anumang pinaplano mo, wag mo nang gawin.
KENT: ano ba kasing pakialam nyo?! Wala naman kayo pakialam sa akin eh!
JEKAY: Anong "anong pakialam" namin? Kaibigan mo kami!
KENT: Wala akong kaibigan na kagaya nyo! (Walkout)
MARKUS: (pinigilan si Kent) Pakiusap kent wag kang ng sumama sa kanila hindi mo alam kung anong manyaryari sayo dun, gusto lang namin na maging ligtas ka.