----------------
*Undefined Thing
[Mic’s POV]
Wala kaming pasok ngayon dahil sabado pero pupunta muna ako kina Chirs at baka magtratrabaho ako. Sinabi rin kasi ng Kuya niya na depende kung may trabaho ako every Saturday kay Chirs. Rest day ko naman every Sunday para may time raw ako sa sarili.
Pero nag-aalaa ako kay Chirs.
Kasi naman oh, napaka-brutal nang pagdala sa kanya papunta ng kwarto. Ganon ba talaga kapag babae? Pero sa tingin ko, normal na ata yun sa kanila. Nakwento na rin kasi sila ni Chirs sa akin at matagal na ang barkadahan nila kaya ganoon na rin siguro ang pagka-brutal nila sa isa’t isa.
Walang sinasanto kahit nasa bahay ng kinakaladkad nila. Hindi mo rin naman matatanggi ang saya sa mukha ni Chirs kapag nababanggit niya ang mga ito.Open sila sa isa’t isa at hindi uso ang magtago ng sekreto.
Teka nga~! Bat sila ang nasa isipan ko?!
Bast hindi ang exam namin sa susunod na lingo ><
Sobrang naging busy rin kasi ako sa trabaho ko for the past days kaya ganoon na rin siguro.
Parating nasa paligid ni Chirs.
Ano ba tong iniiisip ko??! *sabay gulo ng buhok ko*
Para akong ewan! >//<
Grabe naman!
WAAAAAAAAH!
Bakit hindi ako mapalagay??!
Mabuti pa pumunta na lang ako sa bahay nila.
Pagdating ko sa bahay nila ay nakipag-usap muna ako sa mga katulong nila. Nagtanong rin ako kung nandito ba sila Sir Sean pero sinabi nila na hindi ito natulog dito dahil nag-overnight ang mga amazona’s. Napaka-ingay nga daw ng bahay kagabi dahil sa tawanan at sigawan mula sa itaas.
BINABASA MO ANG
Moving On [Ongoing]
Teen Fiction"Sana nga maka move on na ako" "Ikaw talaga! Nakinig ka ba kanina?! Sabi nga ni Sir, walang move on dito sa mundo. Kasi masakit pa rin yan pero pagnagtagal maiimune ka na.." -- Here is a twisted story of how to move on from your past and live what y...