//My Side.13

651 6 1
                                    

--------------------------

*My Side 

[Hanz's POV]

Yes! Walang pasok! 

Kahit kasi Saturday may mga times na may pasok pa rin -.-

I'm a busy person..

Pero kahit ganon, hindi ko siya nakakalimutan.

Kababalik ko lang galing London kasi doon kami tumira before ako grumaduate. May nangyari kasi sa grandparents ko kaya kinailangan naming mag-migrate ng pabigla-bigla. Hindi man lang ako nagpa-alam sa kanya. Mabuti na lang at may communication pa kami noon pero nawala na lang ng parang bula. 

Nilabas ko ang aking wallet at binuksan ito. 

Ang natitirang picture niya na meron ako.

Simula pa lang ng nakita ko siya ay may feelings na namumuo sa akin. Magkababata kami ni Chirs Heinz at hanggang ngayon ay nagpapasalamat ako na nakilala ko siya. Kung dati napakatahimik ko at seryoso sa buhay, simula noong dumating siya ay nagbago na yun. Matututo akong magbiro, tumawa at makihalubilo sa iba.

Para siyang magic ng buhay ko na nagpabago sa lahat. 

Kahit na nag-away kami noon dahil sa pinag-gagagawa ko, mabuti na lang at nagkaka-ayos kami. Napakasakit nga noong ilang weeks kaming hindi nag-usap dahil na rin sa kapilyuhan ko. I admit, ginagawa ko yon para mapansin niya. Pero nasobrahan ata ang pagpapapansin ko sa kanya, to the point na nagalit siya.

Mabuti na lang at hindi niya ako natiis. ;)) Syempre naman! Sino ba ang makakatiis sa pagmumukha kong ito na gising na gising noong nagpa-ulan si GOD ng ka-gwapuhan sa mundo XD.

 Sa mga hindi wala pang idea kung sino ako..

Ako pala si Hanz Tim Villaruel, kababata ng aking minamahal na si Chirs Heinz. Oo, mahal ko siya at pinag-sigawan ko na yon. Malas lang at nag-absent siya noon -.- kaya hindi niya narinig. Napaka-malas ko na ata kasi pati ang tadhana pinagdadamutan ako ng oras para makasama siya >< Pero ngayon, gagawa na ako ng paraan na malaman niya kung ano siya para sa akin.

She's more than special to me.

Moving On [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon