Chapter 3: HD ( Hunos Dili )

90 18 0
                                    

Courtney's POV

"After that, you can have your lunch." nagulat ako sa nagsalita. Kaya napa-angat ako ng tingin mula sa papeles na inaasikaso ko.

And to my surprise there He is, no other than my boss. Smiling like some crazy bastard in front of me. Napapansin ko lang three weeks na ko dito at three weeks na din siyang parang may sakit pagkaharap ko. Ah basta di ko maexplain.

Ano naman kayang kailangan niya ngayon?!

"Pardon Sir, am I the one your talking to?!" i asked him.

His smile fades after i ask that question.

So eto na naman bigla na naman bang sasapian to ng kasungitan niya? Para na din tuloy akong baliw kinakausap ko na naman sarili ko.

" maliban na lang kung may katabi kang di ko nakikita, baka siya yun kinakausap ko."sagot niya sakin. Sabi sa inyo eh, weird ng boss ko. Mabait in a minute, and another minute masungit. Bipolar. Sayang gwapo pa naman. Tsk.

"So tapos ka na ba mag day dream Ms. Ramirez?! You may have your lunch na.."- Sir Klev

"Ahh.. Hehe.. Sige po Sir, thanks i will leave na po to have my lunch." Medyo napahiya naman ako dun, halata palang wala ko sa sarili.

Pero bago pa ko makaalis sa harap ng table ko nagsalita ulit si Sir Klev.

"And where do you think your going?" - sir Klev

"Sa cafeteria Sir, i guess..." Yun totoo sir anung problema?!

"Silly, bakit mo ko iiwan dito?! Ikaw niremind ko na lunch na tapos akong boss mo iiwan mo dito without even asking if ako ba nakapag-lunch na.." - sir Klev.

Eh?! Anong drama nito ni Sir?! Parang mas lalo yata siyang nagiging weird everyday. Pero dahil nahiya naman ako sa kanya, Go Courtney itanong mo ang nais niyang marinig.

"Sorry po.. Ahmm Sir nag-lunch na po ba kayo?" Tanong ko saa kanya.

Nagulat ako ng bigla na naman siyang ngumiti ng parang baliw. Hala ka!! Anyare dito sa boss ko?! Baka mangagat to bigla.

,

"Thanks for asking, actually gutom na nga ko eh. So lets go, sabay na tayo mag-lunch. And my treat, minsan mo lang kasi ako ayain mag-lunch." Nakangiti niyang sabi..

At HANUDAW?! I invited him to have lunch with me?! Kelan eto nangyari?? Bakit di ako informed?! May tama yata talaga tong boss ko, tsk tsk.

Pero dahil ayoko naman na mapahiya siya sinabayan ko na din siya papunta sa elevator. Sumakay na kami at siya na din ang pumindot ng number ng floor ng cafeteria.

Pagkalabas namin ng elevator derecho kami cafeteria. Papunta na sana ko sa counter pero hinawakan niya ko sa braso. Nagulat ako kasi feeling ko nakuryente ako,at mukang siya din naramdaman yung kuryente na naramdaman ko kasi para siyang nanigas.

Buti na lang nakabawi din agad ako at tiningnan ko yung kamay niya na nasa braso ko.

Inalis niya din naman agad yun kamay niya bago nagsabing " You find a table for us,il be the one to order." And he turn his back and went straight to the counter.

Huh?! Bahala nga siya..

Nakahanap naman agad ako ng table. Sa medyo bandang sulok dahil ayoko masyadong pag-usapan na kasabay kong kakain ng lunch ang Boss ko.

Pero pagkaupo ko, saka ko lang napansin na huli na din pala. Dahil lahat halos lahat ng nasa loob nitong cafeteria nakatingin sa side ko. Dinedma ko na lang ang mapanuring tingin nila, wala naman akong ginagawang masama eh.

Maya maya lang nakita ko na si sir Klev na palapit sa table namin.

Nakain na kami ng tahimik, dahil wala akong maisip na paguusapan namin at mukang siya din naman ganun. Pero nagulat ako ng pagkatapos kong kumain napalingon ulit ako sa paligid. Nakatingin pa din sila samin. Seriously again?! Di ba sila nagsikain at mukang the whole time na pumasok kami dito tiningnan na lang nila kami.

Nahalata yata ni Sir kaya nagsalita siya.

" Okay ka lang?! Do you wanna go back to the office?!" -sir Klev.

I just nod my head, dahil ayoko ng magsalita. Naiilang kasi ako sa nangyayari, hindi ko maintindihan kung anong nakain ng boss ko kaninang breakfast at bakit ganito siya umasta sa harapan ko suddenly.

Bumalik na kami sa office, actually hinatid niya pa ko sa table ko. Kaya 'gang sa department namin may mga mata pa din na nakamasid samin.

Kahit naiilang ako sa mga titig nila, naging maayos naman ang buong araw ko. At ngayon nga pauwi na kami.

Nag-aayos na ko ng mga gamit ko at naghahanda na para umuwi. Pero nagulat ako ng biglang may magsalita sa may likuran ko.

" Your going home?!" Ofcourse sino pa ba ang FC sakin simula kaninang luch. Si sir Klev ulit.

"Yes sir." Tipid kong sagot ng nakangiti.

" ahmmm.. Can i.. I mean pwede bang.. Pwede ba kitang ihatid pauwi?!"Hindi niya halos matapos tapos yun sasabihin niya sakin. Weird talga nito.. Haizt nakailang tawag na ba ko sa kanya ng WEIRD?!

"Ah sir, i dont wanna be rude. Pero may i ask bakit niyo po ko gustong ihatid?! Kasi i have my own car naman po. It's not that.. I mean kasi sir, baka kung anong isipin ng makakakita satin." Di ko alam san galing yun sinabi ko, but since nasabi ko na panindigan na lang.

I saw his face na medyo namula. Ano to nagbablush ba si sir Klev?! Cute..

" ah..Pwede ko naman ipakuha na lang yun kotse mo Or bukas mo na lang kunin." He says looking straight in my eyes.

Wait!!!! Ako lang ba to?! O talagang nagpaparamdam si sir Klev sakin. Pero wait ulit, anong sabi niya?! Ipapakuha na lang niya?! O Bukas ko na lang kunin?! At desidido siya na ihatid ako?! Higit sa lahat dedma siya sa tanong ko bout sa mga co-employee namin?! Anyare?!

Dont tell me may HD sakin si sir Klev?! Hala ka Courtney Lei, mag HUNOS DILI ka nga. Mga naiisip ko.. ayoko mag-assume baka akoy maHopia.. Haha

"Ah sir, kasi po.. Kung ihahatid niyo ko at ipapakuha niyo pa yun kotse ko sa iba eh wag na lang ho sobrang nakakahiya na yun. At kung bukas ko pa naman po kukunin yun kotse ko, it means kailangan kong magcommute at medyo di po convinient para sakin. So sorry po." I said to him.

"I wont take no for an answer, and if you dont like my idea na ipakuha na lang yun car mo sa iba dahil nahihiya ka. Okay, i wont. And one more thing i didnt mean na mgcommute ka papasok nung sinabi kong bukas mo na lang kunin yun kotse mo. What i really wanted to say is susunduin na lang kita bukas." -sir Klev

At BOOOOOM!! Sabog!! Haha.. Shock ang lola niyo. Sobrang ganda ko lang?! At dahil sa ang galing magsalita ng bipolar kong boss napaOo na ko. Kahiya eh.

Nauna na kong naglakad palabas ng department namin at ng MGC building papuntang parking lot. Dahil na rin sa ang daming mata ang nakatingin saming dalawa.

Pinagbuksan niya ko ng pinto ng kotse niya at sinara din agad ng makapasok ako. Saka siya umikot papauntang drivers seat at sumakay na din.

Tahimik lang kami sa byahe dahil na din siguro sa pareho kaming naiilang. Tinuro ko na lang sa kanya ang daan papunta sa subdivision namin. At mabilis din naman kaming nakauwi. Di pa naman masyadong traffic.

Di ko nga namalayan na malapit na kami sa tapat ng bahay. Tinuro ko sa kanya yun bahay namin at tumigil siya sa tapat ng gate.

Napatingin ako sa kanya at magpapaalam na sana ko bago ko bumaba ng bigla siyang magsalita....

" Courtney, do you believe in fate?!" - sir Klev

Say WHUUUUUUUTTTT?! Anong FATE?! Anong?!!!

.............................^_^..........................

...thanks sa pagbasa..

....pasensya na sa mga TYPOS and GRAMMAR ERROR. Unedited po..

.... Magtatapat na ba si Klev?! Happy ending na ba agad?! At bakit anlandi lang ni Courtney?! Hahaha.. Joke lang more to come pa..

... Vote and comment pleaseeeee..

...thankie ^_^...

Courtney: The Girl in My MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon