Chapter 4: Courting Courtney?!!

90 15 0
                                    

Courtney's POV

Haizt.. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. It's already 6 in the morning at feeling ko pumikit lang yata yun mata ko. Pano ba naman si sir Klev napaka-Weird ng pinagsasabi kagabi.

<< FLASHBACK>>

"Courtney, do you believe in fate?!" - sir Klev

"Ha?!eh?!" ano ba naman isasagot ko?! Out of the blue kaya yung tanong niya. Di ako prepared.. Hahaha landi lang Courtney?!

Pagtingin ko kay sir Klev bumalik na siya sa normal.. -_-

Oo,tama yan naman talaga yung normal niya eh.. Poker face, snob, masungit. Nagtataka nga ko bakit bigla siyang naging ewan this past few days.

"Nothing..forget what i've said. Sige na pumasok ka na sa bahay niyo. I'll pick you up tomorrow." - sir Klev

Lalabas na sana ko ng kotse niya ng magsalita ulit siya.. At sana hindi ko na pinakinggan..

"Courtney... I will court you." - sir Klev

Eh?! Ano daw?! Natula ba siya at may rhyme pa talaga?! Joke..hehe

Nilingon ko lang siya at tinanguan siya. Saka tumalikod na..

Hindi ko kasi alam if anong sasabihin. Saka hello, hindi naman siya nagtatanong. Para ngang sinasabi niya lang sakin kung anong gusto niyang gawin, kaya dedma na lang. Kunwari hindi ko narinig at nagmadali akong pumasok sa bahay.

<<END OF FLASHBACK>>

Oh di ba?! Sino ba naman makakatulog ng maayos non. Haizt.. Buti na lang saturday ngayon at half day lang ang pasok ko. Kaya half day lang yun chance na magkita at magkausap ulit kami ngayon.

Tumayo na ko para pumasok sa banyo ng biglang tumunog ang phone ko.

Tiningnan ko muna kung sino yung natawag.. Aba mahirap na baka si sir Klev to, eh balak ko pa naman siyang iwasan. Hindi kasi ako komportable na para siyang sira na nagpapaka-sweet sakin.

Sinagot ko agad yung tawag nung nakita kong ang Bestfriend ko pala yun natawag. No other than Sissy Lhenny, ang ever loyal kong BFF na also Hot and Smart like me.

"Hello Sissy!!" Bati niya agad.

"Good morning Sissy!! Why so aga?! Wala kang pasok today ah?!" Tanong ko sa kanya. Alam ko kasi na hindi to morning person pag weekends..

"You know me talaga Sissy..hihi" seriously?? Kinikiliti ba to si Sissy?! Aga aga, harot harot..

"Sissy, pwede ba tigilan mo yan tawa mong nakakairita. You want me to make batok you?!" Hehe, ganyan kami mag-usap. Arte lang namin pag kaming dalawa lang.

"You naman Sissy, meron lang kasi akong ike-kwento sayo. And after you hear this baka ikaw ang batukan ko sa kaharutan mo." - Sissy Lhenny

"Weeeh?! Bakit naman?! Buti sana kung tungkol yan sa pinakamamahal kong si Riel.."

"Waaaaah!!! Sissy, pano mo nalaman?! Nakakainis you!! Kala ko pa naman masu-surprise ka.." Sissy Lhenny

Eh?! Tungkol nga kay Riel sweetheart ko?! Hehe, Yup!! Tama kayo ng basa, meron na kong Riel sweetheart.

Ang man of my dreams..

Josh Briel Gomez..

Classmate ko since highschool til college,but unfortunately he never notice me.. As in NEVER!! Hindi ko nga alam if alam ba niya na nageexist ako sa mundo niya.

Anyways saka na nga natin pag-kwentuhan ang tungkol sa kanya. Nang malaman ko na kung ano yun babalita ni Sissy.

"Hoy!! Courtney Lei, nakikinig ka pa ba sa mga sinasabi ko?!" Sissy Lhenny

"Ofcourse no?! Kaw talaga Sissy.. So ano na nga yun tungkol sa Riel sweetheart ko?!" Excited kong tanong.. Hihihi

"Eto na nga, excited masyado.. So you want me to batok you now?! Huh?!" Sissy KJ din eh.

"Ayyy... Sissy naman sabihin mo na agad, alam mo naman pagdating kay Riel excited ako eh.." Kaasar kasi...

"Oh sige na, eto na.. Kahapon kasi nagmeet kami ng isa kong client sa isang resto near sa building ko. Tapos nung papasok na ko sa resto, i saw Josh eating lunch there with his friend Alex. Do you still remember him?! Yun friend niya way back in college?!" Sissy Lhenny

"Ahhh.. Yup! I know him. So nakauwi na pala si Riel from Europe?! My goshhhhhh.. Im so happy.." Di ko mapigil eh.. Pki ba?!

"Hoy manahimik ka nga diyan babae. Your so nakakaasar, saka kung maexcite ka as if naman friends kayo na any moment pwedeng magkita and eat out. Like duh?! Di ka niya ramdam Sissy.. Saka isa pa, weeks ago nag-iinarte ka pa sakin na nakipag lips to lips ka sa dalawang lalaki on the same day. Tapos ngayon si Riel naman?! Aba Sissy hindi kita pinalaking ganyan.." Sissy Lhenny

"Seriously Sissy?! Kaw ba si Mommy?! Mga pinagsasabi mo, excuse me dear bestfriend.. First of all hindi ako nakipag lips to lips, it was an accident yun nga lang sa dalawang lalaki.. Hehehe. And second hindi po ikaw ang nagpalako sakin.. Baliw you?!"

"Whatever you say Sissy!! Still.. nakipaghalikan ka pa din.. Kaya tumigil ka dyan sa kaharutan mo. Mamaya makasalubong mo si Riel bigla mo na lang yakapin ah?! Para mo ng awa magpaka-demure ka naman hija..okay?!" Sissy Lhenny

"Haizt.. Oo na po.. Oh sige na Sissy baka malate na ko. Salamat sa magandang balita. See you later after my work, i will treat you sa kahit saang resto mo pa gusto.iiiiiihhhhhhhh"

"Heh!! Tama na nga!! Bye na.. May appointment din kasi ko kaya ko maaga ako today. Kita na lang tayo sa mall, i'll just text you. Bye for now Sissy!! Love yah!!" Sissy Lhenny

"Kay!!! Babye!!"

Binaba ko na agad ang phone ko at pumasok ng banyo para makaligo na. Nagkaron tuloy ako ng madaming positive vibes ngayon. Hihi

After 30 mins nakababa na ko, mabilis akong kumain at lumabas na ng bahay. Wala na sila Mommy at kuya Cavin, and malamang mamaya na kaming dinner magkikitang tatlo.

Nagulat ako ng pagkalabas ko ng gate nakita ko si sir Klev. So seryoso siyang di niya pagko-commute-in ngayon. Aba!! May libre akong driver at gwapo pa. Pwede!! Pwede!! Wag ko na kaya kunin yun kotse ko.. Hahaha

Lumapit na ko sa kanya, nasa kabilang kalsada kasi siya naka-park.

"Good morning Sir!! Akala ko po nagjo-joke kayo kagabi. Hehe.." Bati ko sa kanya.

"Do i look like kidding last night?!" Serious mode sir Klev?! Aga aga?! Hmf.. Panira ng Gud vibes ko.. Tsk.

"Hehe, hindi naman po sir.. Pano sir baka malate po tayo." Aya ko na sa kanya para kasing walang balak umalis nakaharang kaya siya sa passenger seat. Duh?!

"Okay.. Let's go!!" Sagot niya.

Pinagbuksan naman niya ko ng pinto at sinara agad pagkapasok ko. Saka pumasok sa loob ng kotse at nagmaneho na papuntang MGC building.

Dahil ayaw kong machismis at maissue sa kanya nauna na kong bumaba at nagpasalamat na lang sa kanya.

Papasok na ko ng building at naramdaman kong tumakbo din siya at nagmadaling sumunod sakin. Pero syempre di ko na nilingon, weird na naman kasi siya. At isa pa naalala ko na yung sinabi niya kagabi.. Court me daw?! Watda?!

Dahil malalim ang iniisip ko hindi ko napansin na may kasalibong pala ko.

Nabangga ako sa isang matigas na bagay,ay hindi tao pala. Pinulot ko muna ang mga gamit kong nahulog bago ko tumingala para sana mag-sorry pero pagtingin ko sa mukha ng taong nakabangga ko... Umurong yata yun dila ko. Nanigas ang buong katawan ko.. At para kong natuklaw ng ahas..

Sheeeeet lang.. I wanna SCREAAAMMMMMMMMMM!!!!!!!!

---------------------^_^---------------------

...sino kayang nakita ni Courtney?!..

... Sori sa mga Typos and Grammar errors.. UNEDITED..

..at thanks for reading, hope you enjoy it..

Courtney: The Girl in My MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon