Rhayne Pov
Ako nga pala si Rhayne Bernardo matalino, mabait at maganda hayan pala ang palaging sinasabi ng mga kaibigan ko. Hindi ako naniniwala dahil meron bang maganda na nakasalamin palagi tapos kasing puti ng multo, wala naman diba.
Tawag nga ng magulang ko saakin ay Gluta ewan ko lakas ng trip nila pero may nickname naman ako 'Rhey' parang panglalake pero astig.
Ang ginagawa ko ngayon ay nag gagayak para sa school which is nag pupulbos at nag hahanap ng masusuot na pantalon, 1st day palang kaya dapat naka civilian isang linggo kaming naka civillian pag katapos nun nakauniform ulit lahat. At nung makahanap na ako sinuot ko na yun at yung long sleeves na white tapos yung long sleeves pinatungan ko ng T-shirt na nag sasabi na Good G🌹rl kulay black siya.
"Huy Rhey! bilisan mo naman pinag hihintay mo tong gwapo mong pinsan! ang gwapo hindi dapat pinag hihintay tandaan mo yan!"Sigaw ng pinsan ko na si Christian Bernardo.
Mag pinsan kami sa father side, nag tataka ba kayo kung bakit siya nandito? aba! dito siya sa bahay namin nakatira dahil ang parents niya nasa world business tour, ewan ko nga kung bakit may world tour sila wala na akong pakeelam basta masaya ako na nandito pinsan ko, lab na lab ko kaya yan hahaha.
"Oo ito na Chris! saglit lang yung bag ko kase ang bigat hindi ko keri!"Sigaw ko pabalik.
"Naman wait lang!"Sigaw niya.
Maya maya may narinig akong tumatakbo, so inasume kong siya na yun kaya sinuot ka na yung glasses ko na wala namang grado, bigla namang may pumasok sa pintuan ng kwarto ko.
Si Christian also known as Chris nickname niya yun hindi yung dahil gusto lang niya na tawagin siyang Chris, family and close friends niya lang tumatawag sakanya nun pero may mga feeling close sakanya na nakikitawag.
"Ako na diyan sa bag mo mukha ngang mabigat sabi ko naman sayo na iwan mo muna yan dito first day panaman."Sabi niya na nag aalala pa para sa kalusugan ko.
Aba sino ba namang hindi mag aalala saakin ang bigat niyan.
"Sorry na Kuya Chris iiwan ko na yan sa school, kailangan kase ng isang grade 9 yung mga books nayan schoolar siya hindi pa makabili ng books mama at papa niya."Sabi ko na sobrang sorry, kinuha na niya ang bag ko sabay lakad.
"Naku ang bait naman ni Insan tara na nga male-late ka pa ayaw mo nun diba?"Tanong niya habang palabas na kami sa aking kwarto.
"I will help people until my last breathe, Kuya"
Sabi ko habang nakatingin sa mata niya para malaman na totoo sinasabi ko."Ang bait naman ni baby Rhey!"Sabi niya sabay akbang sakin.
Hindi na ako umimik pa at nag patuloy nalang sa pag lalakad.
Pag ka baba namin sinalubong kami ni Mommy at binigyan kaming dalawa ng sandwich with nutella, my fav.
"Goodluck sa firstday wag muna makipag away at laging pakabait"Sabi ni Mom.
"Mom, we're not kids anymore."Sabi ko.
"Hay, Sige na nga bye na malelate na kayo."Aniya
"Sige mom, bye love you."Sabi ko sabay kiss sa kanyang cheeks ganun din si Chris.
"Sige bye,love you too."Sabi ni mom at kiniss kaming dalawa ni kuya sa cheeks at nag wave habang pinapanood kaming lumabas ng bahay at pumuntang garage.
"Hindi talaga tayo mahilig sa umagahan ang weird natin, pero pag dating sa hapunan mygaht daig pa nating dalawa ang nag piesta hahahah"Sabi ko habang tumatawa.
"Oo nga kaya nga pag may piestahan kawawa yung mga nag luto kulang pa yata yun saatin hahaha"aniya.
Tawa lang kami ng tawa hangang makarating kami sa kotse niya.
YOU ARE READING
Love is not over.
RomanceSi Rhayne Bernardo isang simpleng high school student sa Rivera University may pagka nerd siya hindi mahilig sa makeup katulad ng iba. Sila Jasmine Dela Cruz, Mhikaella Ramos at si Nathalie Padilla ang mga bestfriend ni Rhayne simula bata palang mag...