Lumabas ako ng silid na ang suot ko lamang ay Cotton short at isang manipis na tshirt, habang pababa ako ay diko maiwasang masaktan sa nakikita ko, Ang mahal kong asawa lang naman ay nakikipag halikan sa lintad niyang babae sa sala namin, iniwasan ko nalang na mapatingin sa kanila at baka maluha lang ako. Ngumiti ako ng pilit habang pababa sa hagdan, napahinto ang pag hahalikan nilang dalawa ng makarinig ng tawag galing sa cellphone ko, kinuha ko sa aking bulsa ang cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag.
" Enzo is calling" tingnan ko ag asawa kung napakasamang tumingin sa akin, iniyuko ko na lamang ang aking ulo at pinag patuloy ang paglalakad papuntang kusina at sinagot ang tawag .
'' Hello Enzo ?" sabay lagpas sa asawa ko na tinutuloy ang naudlot nilang paghahalikan '' Hai Bella gusto ko lamang itanong kong pupunta kaba mamaya ditto? kasi baka pagod ka?"napangiti nalang ako kasi kahit papanoy may nag aalala pa rin pala sa akin, " Oo naman at kaya ko pa naman, Salamat sa concern " sabay ngiti ko kahit di naman niya ako nakikita,
"Okey we will wait for you and bye, I well hung up the call kasi baka nandyan yung mabait mong asawa " hindi niya ako pinatapos sapagsasalita dahil tuluyan na niya akong pinatayan ng tawag. napailing nalamang ako. Kaibigan ko si Enzo siya ay nag mamay ari sa resto bar at kapartner ko rin siya sapag papatakbo sa isang charity sa mga batang may sakit lalong lalo na ang may Canser. Nag tatrabaho rin ako paminsan minsan sa kaniyang bar para kumanta, at ang sahod ko naman sa kaniya ay ibinibigay ko sa charity , Hindi lang kasi pweding araw araw akong kakanta sa bar niya sapagkat palihim lang naman kong ako ay pupunta sa bar, dahil hindi ko sinasabi sa asawa ko at baka hindi niya ako papayagan at baka sasaktan niya lang ako. Kaya pag tulog na siya ay saka lang ako tumatakas kasi di naman kami nag iisa ng silid para namang hindi kami mag asawa kasi nga hindi rin naman kami normal na mag asawa.
Ipinag handa na kami ng pagkain ni Inday 7:30pm na kasi at sa palagay ko ditto narin matutulog ang babae ni Zion. Umupo na ako sa gilid habang pinapa upo naman ni Zion ang babae niya, sana ganyan siya ka caring sa akin pero hanggang pangarap lang yata ito mangyayari ."Babe who is this girl?" saby turo niya sa akin at taas ng kilay, kaya napatingin ako sa kaniya "Don't mind her she was nothing " sabay yakap sa babae, Napayuko nalang ako at kumain kahit na wala na akong gana at baka maiyak na naman ako, "Oh it's that so? Ok babe " sabay kain nilang dalawa na parang wala ako sa kanilang harapan. Tumayo na ako kahit hindi pa naman ubos ang kinakain ko kasi nakakawalang gana ang ginagawa nila sa harap ko, nag hahalikan na parang kohol kulang nalang ay mag mamake out sa harap ko. "inday paki ligpit ng tirang pagkain ko ipakain mo sa aso " sabay tingin ko sa babaeng mukhang lintad, tumaas ang kilay ng babae sa akin at umirap habang tinitingnan naman ako ng asawa ko na parang papatayin niya na ako. "Po? Eh hindi naman kumakain ng tirang pagkain ang aso niyo Ma'am ?" sabay kamot ni inday ng kanyang batok " Ay sorry sa asong gala mo nalang ibigay nakalimutan ko nga palang ayaw ni Chowy ng tira tira di kagaya ng iba diyan " sabay tingin ko sa asawa ko at sa babae niya. Hindi ko mapigilan na paringan ang dalawa kasi sobra sobra na ang kanilang ginagawa, tumayo ako at sabay kinuha ang cellphone ko sa hapag kainan. "Ako ba ang pinariringan mo?" sabi ng babae at sabay tayo rin ng asawa ko, kung nakakamatay lang ang pagtingin baka kanina pa ako namatay dahil sa tingin ng asawa ko "Excuse me? sa tingin mo aso ka ba? " sabay tingin ko sa babaeng hitad, tatayo sana siya upang kalmutin ako pero biglang hinaklit ng asawa ko ang aking braso at sinampal ako sa harap ng babae niya " Enough di ka ba nahihiya bisita ko siya kaya respitohin mo siya!" napaiyak ako sa sakit at sa pag papahiya niya,talagang ako pa dapat ang mahihiya siya na nga itong may asawa na ngunit nambabae pa pero, hindi ko pweding sabihin sa kaniya ang mga salitang iyon, dahil hindi ko kaya. Tumalikod nalang ako sa kanilang dalawa at pumunta sa silid ko.
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love
BeletrieHindi naman talaga ma iiwasang masaktan ka, pagdating sa larangan ng pag ibig pero kung sobrang sakit na talagang bibitaw ka na, kahit mahal mo pa siya tama na yong nag titiis ka, nag papaka martry ka at tini take for granted kalang niya , Tama...