"Bayad po." sigaw ko habang nag-aabot ng 7.50 patungo sa driver.
Walang kumukuha. Lumapit nalang ako kasi medyo abot ko rin naman yung kamay ng driver.
"Pakisuyo nalang po." wala pa ring kumukuha, lumalapit parin ako.
Lumapit pa ako ng husto, at nalaman ko na hindi ko pala talaga abot.
Umupo nalang ulit ako. Tapos nakita ko yung katabi ko, pinapaypay yung harap ng ilong niya gamit ang kamay.
*Ano yoon? Mabaho yung kilisquared ko?* inisip ko.
Pero hindi yoon yung problema ko ngayon, yung problema ko ay yung bayad kong hindi ko maabot sa driver.
Sumigaw nalang ako, "------ ---! BAYAD PO!!!"
At nang ilagay ng driver yung kamay niya sa likod niya para kuhanin yung 7.50 na ito,
Inabot ko na yung bayad ko, may kumuha naman. Natakot sa Super Saiyan ko.
Tapos ayon, pagkatapos ng ilang MINUTO, nagpara na ako at bumaba sa kung saan ako laging bumababa.
At ngayon naman, sasakay na ako ng tricycle, pumunta ako sa harap at tinanong yung driver.
"Del Rosario po?" tanong ko sa driver na mukhang lasing.
Hindi ako sinagot, walang narinig sakin.
"Del Rosario po?" tanong ko ulit sa driver na hanggang ngayon ay nakatunganga parin.
Wala paring bumalik na pansin. Walang kumausap sakin. Nagmumukha akong nanggaling sa Mandaluyong.
"Ayyy. Ano yoooOOOON?" sa wakas, may puting buhok na ko.
"Del po." hindi ko nasabi yung Rosario.
"Ano yun? Del? Fabcon?" sagot ng driver, at nagtawanan lahat ng driver na iba.
"Del Rosario. Maglinis ka ng tenga mo minsan ha? O kaya magpacheck-up ka minsan sa doktor." tiningnan ko nang masama yung driver.
Sumakay na ko sa backride at huminahon ng ilang minuto.
Tapos ayon, bumaba na ko sa street namin, at pumasok sa bahay.
Nasa sala si kuya, naglalaptop.
"Nandito ka na pala kuys." bati ko sa kanya.
"Oo. Halfday e. Kumain ka na." sagot niya sakin.
"'Kaw? Bihis muna ako." pagtanggi ko sa utos niya.
At ayon, umakyat na ko sa kwarto naming dalawa. Maliit lang kasi itong bahay, isa lang kami ng kwarto ni kuys.
Pumasok ako sa kwarto namin at sa gulat ko...
"Nandito ka na pala?" tanong sakin ng kuya ko.
"Ha? Diba nasa baba ka kanina, paano ka napunta dito e nasa baba, naglalaptop, inutusan mo ko kumain, tapos naglalaptop, tapos hindi, tapos akala ko tapos hindi, tapos an--."
"Huminahon ka. Ano yoon?" pagtigil niya sa akin na nagpapanic na.
"Kasi nung pumasok ako sa baba, nandoon ka naglalaptop tapos pinakain mo ko, tapos nakita kita nandito, hindi ko alam ano meron sa..."
"Ano? Kanina pa ko nandito e! Sino yung nakita mo sa baba?"
"Hindi ko alam kuys. Malay ko ba."
Kinikilabutan ako, tumataas ang balahibo ko.
"Ano nangyayari?" halos umiyak ako sa harap niya.
"Halika, tingnan natin kung anong nakita mo doon sa sala." sabi niya sakin.
"Ayaw ko. Natatakot na ako." nanginginig na sabi ko sa kanya.
"Bilis na, tingnan natin, namalik-mata ka lang." pinapawala ni kuys yung takot ko.
"Oo sige, pero kinausap niya k--."
"Walaaa. Tara na. Duwag ka talaga e no?" pilit niya sakin.
Bumaba kaming dalawa habang kinakausap ko siya sa likod ko, tinutulak niya ko.
"Kasi nung pagpasok ko..." kinakausap ko siya tapos lumingon ako sa harap ko.
"Tapos ka na magbihis?" tanong ni kuys habang nakaupo sa sala, naglalaptop.
Lumingon ako sa likod ko, wala na doon yung isa pang kuys na kanina lang ay nasa likod ko.
Napalayo ako at muntik na matumba.
Lumingon ulit ako doon kay kuys na naglalaptop.
Wala na siya, at yung natira lang yung laptop.
May nagtext sakin sa cellphone ko, nasa bulsa, kinuha ko ng mabilis at binasa yung text.
"Hindi na muna ako makakauwi ah, may group project kami, pati sila mama't papa hindi makakauwi kasi may gagawin pa sila, ikaw nalang magbantay sa bahay ha?"
-Kuys
BINABASA MO ANG
Doppelganger?
TerrorNakakita ka na ba ng isang doppelganger? Yung multo ng isang taong nabubuhay pa? Parang complete hypnosis para maniwala kang siya yung taong yun pero hindi naman talaga siya? One-shot lang to kahit madaming extra sa una! Basahin niyo na!