"Carrissa's POV"
"Ayon habulin niyo, bilisan niyo"utos ng isang lalaki na habulin ako, hindi ko alam bakit ako hinahabol ng mga buset na ito. Pagkakaalam ko wala naman akong ginawang masama?
Sa pagmamadali ko nadapa tuloy ako at naabutan ng mga pangit NATO!"Akala ko ba matapang ka Carina? Ngising tanong sa akin ng pangit na ito at sinong Carina? Last check ko sa birth certificate ko Carissa pa pangalan ko.
"Teka hindi Carina pangalan ko nagkakamali kayo"ako
"At nagmamaang mangaan ka pa ha, ano naduduwag ka na ba? Pagkatapos mong patayin si Heather tumatakbo ka na ngaun? "Lecheng ito sinabing hindi ako yon eh sinong Heather tinutukoy niyo?
"Eh kuya totoo po yong sinasabi ko wala po akong kilalang Heather at hindi ko po siya kilala at hindi po ako si carina, Carissa po pangalan ko Carissa"pinagdiinan ko pa talaga pagkakasabi ko nong pangalan ko, at nagulat ako ng akmang sisipain ako ng buset na to ng may humawak sa binti niya at saka siya ibinalibag ng isang babae. Hindi ko makita mukha niya kasi nakatalikod siya sa akin.
"Ano ba naman iyan John bakit iba hinahabol niyo dinadamay niyo pa tong isang ito. Nakita niyo na ba ang katawan ng kapatid mo? " nakapamewang na tanong nong babae.
"Paanong--" parang nagtaka yong lalaki tumingin siya sakin at doon sa babae para pa siyang nakakita ng multo kung makatingin sa aming dalawa
"Ikaw humanda ka sa akin, papatayin kita"nanggigigil na sabi nong lalaki atsaka siya sumugod ng suntok doon sa babae ngunit nakailag ito. Sumugod na rin iyong mga iba nitong kasama ngunit talagang magaling din itong babae at bawat suntok nong apat na lalaki ay iniilagan lamang niya. At nang mapagod yong mga lalaki tsaka siya naman ang sumugod at ang ending iyon bugbog sarado at tulog ang mga tarantado.
Ng matapos saka niya ako binalingan
"Ayos ka lang---"nanlaki ang mata ko at ang mata niya ng magtagpo ang mga mata namin. Halos pareho kami ng mukha sa unang tingin. At wala ng nakapagsalita sa amin ng may pumito mula sa likuran namin doon lamang siya natinag at dali daling umalis. At ako naiwang tulala sa kaniyang kaninang kinatatayuan.
YOU ARE READING
I'm not her!!
Teen FictionMore on gangster world siya at ang buhay ng dalawang taong magkamukha.