Bestfriend Protocol

59 1 3
                                    

Mare, naalala mo yung hindi ko natapos na story niyo ni Los Angeles? Haha sorry po ha? Eto na kapalit. Tatapusin ko na, peksman. Remember be happy, be budoy :3 Salamat sa lahat ha? >:*< Labyu!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[Prologue]

“Father, bless me for I have sinned” Patiuna ko pagka-luhod na pagka-luhod ko sa confession cubicle ng simbahan. Mejo hinihingal-hingal pa ko nun dahil sa pagkatabo ko palayo sa bestfriend ko. Bakit ako tumatabo palayao kung bestfriend ko? Kasi…

“Uhm, sige iha ano bang mga kasalanan mo?” Tanong ni Father sa kadugsong na kwarto.

“In-love po ako.” Napalunok ako habang bulong na sagot sakanya.

“Anong kasalanan dun, anak? Kaya nga tayo pinagkalooban ng panginoon ng puso upang magmahal ng kapwa natin, hindi ba?” Sagot ni Father. Hindi naman po ako anti-love o manhater o kung sinong ponsyo pilato para umayaw sa pagmamahal! Ang hirap lang kasi….

Pinunasan ko muna yung pawis na tumutulo sa noo ko at bago nagsalita. “7 years na po akong in-love sa bestfriend ko, at ikakasal na po siya in 2 weeks, father. Anong gagawin ko?” Mangiyak ngiyak kong tanong.

Bestfriend ProtocolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon