5:30 am ng umaga. Saktong sakto unang pagtunog palang ng alrm clock mulat na 'yung mata ko. Isa talaga akong early riser simula bata palamang ako. Siguro nakasanayan nadin kasi si Papa nung sa probinsiya pa kami nakatira hindi na kailangan pa ng alarm alarm na yan. Bunganga lang ng nanay ko, buong baranggay naalarma na.
Bumangon ako sa pagkakahiga. Nagkusot ng mata. Nagunat, kumamot sa dibdib at tumitig saglit sa kisame. Nagmumuni-muni. Panibagong araw nanaman pala. Pasok nanaman sa trabaho, gawang student plan, mag-grades ng students, nuod ng teleserye, tulog. Buhay walang pamilya! Buhay single! Buhay boring. Napabuntonghininga ako. Aga-aga sinasaniban nanaman ako ng ka-depress-san.
Tumayo na ko sa kama ko inayos yung unan, tiniklop yung kumot. Siniguradong walang gusot. Kinuha ko yung bathrobe ko sa sabitan at pumasok sa banyo. Habang nagsho-shower nagka-calculate ako ng mathproblems sa isip ko. Maparolyo na mga mata niyo sa kaboringan wala akong magagawa utak ko 'to e!
Nagising ako sa ulirat ng may kumatok sa pinto ko habang tinatawag pangalan ko "Ati Jazz?" Nagbanlaw na ko ng maigi saka nagtapis ng twalya para lumabas.
"Bakit, Srilangka?" Tanong ko sa kasambahay ko. Hindi ko alam kung talagang pinangalan sakanya ng nanay niya yan o bininyagan niya ulit yung sarili niya.
"Ati, magaalmusal ka ho ba ngayon?" Aniya. Tatlong taon na siya nagta-trabaho sakin at sa loob ng 1095 days na yun, araw-araw niyang tanong sakin yan.
"May amnesia ka ba araw araw Sri?" Tanong ko sabay pasok sa kwarto ko para magbihis. Naka-condo ako isa nga lang kwarto kaya dun siya sa sala ko pinapatulog ayos naman sakanya isa pa, no boys allowed sa pad ko.
"Eh ati kasi wala ng itlog." Sumbong niya.
"Binibigyan kita ng pang-grocery every week ha? Ubos na ba?" Sabi ko napapakunot yung noo nanaman sa batang to. 23 years old na 'ko pero nagiging 30 years old yung pakiramdam ko sa mga kalokohan niya.
"Eh hindi naman ati kaso hindi pa ako nakakapamili kasi nakalimutan ko kahapon." Sagot niyang parang nahihiya pa sa'kin.
"Wala na bang ibang pwedeng lutuin sa fridge?" Isa pang tanong ko.
Umiling siya. "Wala na po."
"Eh bat mo ko tinatanong kung magaalmusal pa ko?" Ang boiling point ko tumataas nanaman mas mataas pa sa ulo ko.
"Para malaman niyo pong wala ng pagkain sa loob ng ref." Matalinong sagot ng kasamabay ko. Hanep talaga pwede ng sumunod sa layaw ni boy pick up.
"SriLangka Agohoy lumabas ka muna ng kwarto parang awa mo na tatanawin kong malaking utang na loob." Tangi kong naisagot sakanya, napahawak ako sa noo ko. Sumasakit ulo ko ang aga-aga ang galing mambwisit.
"Yes, Ati!" Madali niyang sagot sabay lakad palabas ng kwarto ko. Nagbihis na 'kong pangpasok.
-
"Gooooooodmorning Teacher Padronez!” Bati saakin ng mga estudyante ko. Isa akong elementary sa isang private school sa Quezon may 3 years ago nadin.
“Goodmorning class! Alvin paki-erase naman ng board.” Utos ko sa isa kong estudyante na hyper. Mga grade 4 na sila.
“Teacher, teacher, teacher!” Sabi ni Coleen, the sweetest child in this class.
“Yes, deary?” Tanong ko habang nagka-cut ng tapes para ipandikit sa pinrepare kong manila paper exercise nila for today.
“May I go out, please?” She asked and I said yes right away.
“Ma’am ano po yang ididikit niyo?” Tanong ni Xander, pinakapasaway na estudyante ko.
“Manila paper, bulag ka ba Xander?” Sagot naman ni Mae sa kabilang dako ng room.
“WEH EPAL, E!” Pangaasar naman ni Toto na tropa ni Xander. Napapailing nalang ako habang nakasmile sa mga batang ito. Pustahan pagdating sa HS magkakaligawan din ‘to. Naalala ko tuloy nung panahon ko ….
“YIIIIIEEEEH SI MA’AM P MAYINIISIP!” Di pa man ako nakakapagflashback sa memories inunahan na ‘ko ng asar ng mga batang ‘to. Nakakaloka. Ambabata pa andami ng alam!
“Tumigil nga kayo. Pop Quiz!” Nakangiting aso kong sabi. Lahat sila nagulat yung mukhang parang nakakita ng multo.
“AWWWWW BIRO LANG MA’AM GANDA!” Sip-sip namang sabi ni Xander. Natawa nalang ako sa pambubuska nila saakin. Nakadikit na sa pisara yung exercise nila for today ng pumasok si Coleen may dalang sulat galing daw sa principal. Pinapatawag ako sa office.
“Hala ka Ma’am ano ginawa mo, lagot!” Sabi ni Toto.
“Walang maingay ha? Babalika ako kagad dito. President of the class, you know what to do!” Utos ko sabay alis ng room para pumunta sa head office. Bihira lang sila magpatawag ng teachers lalo pa kung sa kalagitnaan ng oras ng klase. May emergency kaya sa pamilya ko? Pero tatawag naman sa phone ko yun. Napatingin ako sa phone ko wala naman ni isang tawag o text. Napakunot noo ko. May nagawa ba advisory class ko? Pero kilala ko sila hindi ako ipapahiya ng mga yun. Si Langka siguro? Nako baka magtatanong kung gusto ko ba ng itlog for lunch. I sighed. Sakit sa ulo. Nagmadali nalang akong pumunta sa office.
Naggreet ako sa secretary ng principal. Kumatok sa office nito. Agad naman akong pinapasok.
“Ms. Jazz Padronez, please have a sit!” The principal said. Hindi nawala yung kunot sa mukha ko nung may nakita akong nakatalikod na mama across the principal, katabi ng upuan inooffer saakin. Parents ba ‘to ng isa sa estudyante ko? Hindi naman ako nambabagsak ha? Wala ding tagilid sa mga estudyante ko. Di rin naman ako kasing bangis ni Baracuda kapag nagagalit sa mga ‘to. WALA AKONG INAGRABYADONG ESTUDYANTE! Lagot ako kay Sir Alfredo Lim pagnagtaon!
“May.. may problema ho ba?” Medjo kabado kong tanong. Umupo ako sa upuan, hindi tumitingin sa katabi ko.
“Wala naman Ms. Jazz Padronez also known as Jajabong! Unless you forget about me?” Ani ng lalaking katabi ko. Nagulat ako sa boses niya it still send shiver all over my entire body. Bumilis yung tiboy ng puso ko. After seven years this feeling is back again. He’s back in my life again. I was surprised. Shocked. Surprised. Shock. Surprised. Shock. SURPROCK! THIS CAN’T BE HAPPENING. HIM. HERE. 11 INCHES AWAY FROM ME. I’M HYPERVENTELATING. MY HEART. ITS…….. TOOOOOOOOOOOT.
Time of death: 2:02 pm.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
NOTE : BITININ KO MUNA HA? HAHAHA. SORRY TAGLISH SIYA DAPAT ITATAGALOG KO LAHAT KASO EPISTAXIS NA MASYADO. PAGINENGLISH KO NAMAN LAHAT MAGIGING ANEMIC NA KO LALO. HAHAHA ENJOY LANG. INGAT KAYO SA PAGBABASA. BALIW ANG AUTHOR. MAY PINAGDADAANAN. HAHAHA PLEASE BEAR WITH ME J
btw, mareng Jazz :p iniba ko lastname mo. Whaha. Parang halos parehas naman :))