Lost Happily Ever After~1

64 1 0
                                    

..present..

Kanina pa ko hindi mapakali sa upuan ko. Nasa service ako ngayon, pero may pupuntahan kaming party. Party ng ibang school. Friday naman ngayon kaya nakacivilian kami. Old school ko ang pupuntahan namin. Kahit sino pwede namang pumasok.

"JANE! Magrelax ka nga! Masyado kang di mapakali dyan! Hahaha!" sabi ni Ate Zyca.

"Etong babaeng to, masyadong excited makita ang kanyang Martin! HAHAHAHAHA!" sabi naman ni Ate Jenni. Pagkasabi niya noon nagtawanan na silang dalawa.

Sumilip ako sa labas, malapit na pala kami. Tinignan ko yung cellphone ko, tadtad na ng messages galing sa mga kaibigan kong nag-aaral don.

"Jane! Sabihin mo lang, papahiram ko sa'yo dress ko para maganda ka naman!"- Ate Zyca

"Onga, Jane. Papahiram ka pa nyan ni Zyca ng heels niya."- Ate Jenni

Pilit nila akong pinagsusuot ng dress. Naka simpleng shirt at pants lang kasi ako. Eh sila ate, ready-ng ready! Pano ba naman si Ate Jenni, nakadress, cardigan, and flats. Si Ate Zyca naman, jeans, long-sleeved blouse at heels! Oh di ba, bongga? Ako, walang-wala.

"Hoy girl! Magsuklay ka nga! Mukha ka nang bruha dyan!" -Ate Jenni, sabay abot ng suklay.

"Magpolbo ka na rin. Make-up gusto mo? May dala rin ako! Hahaha!"-Ate Zyca.

Kinuha ko lahat ng binibigay nila, pero hindi ko kinuha yung make-up ah! Okay na tong hitsura ko. Maganda naman ako. *hangiiiiin*

"Oh, baba na kayo. Babalikan ko kayo dito ah. Bilisan niyo" sabi ni Kuya Driver.

"Sige po, Kuya! Salamaaat!"

Bumaba na kaming tatlo at pumunta sa gate ng school. Tinignan ko yung oras, 7 na pala.

"Ineng, dito ka ba nag-aaral?" tanong ni Mang Guard. Kuya! Ba't ngayon mo pa yan tinanong? Samantalang dati, wala siyang pake kung sino ang pumapasok. Pinakita ko na lang yung old school id ko. Buti na lang at dala ko. Kaya lang baka hindi makapasok sina Ate Jenni at Ate Zyca.

"Ate, baka hindi kayo makapasok sa loob. Pano yan?"

"Eh? Bawal? Bakit daw?" Ate Jenni

"Okay lang yan. Ikaw na lang pumasok. Hihintayin ka na lang namin dito. Good luck and enjoy!" Ate Zyca

"Sabihin mo kay Lemuel pag nakita mo, Hi ah! Hahaha!" Ate Jenni

"HAHAHA! Sige po! Bibilisan ko po talaga."

Gustung-gusto ko pumunta sa loob nang may kasama. Saan naman ako hahanap ng kasama? Tsk.

Ginala ko yung mata ko at nakita ko yung dati kong classmate na nakaupo sa bench. Sakto oh!

"Pedro!"

Di naman talga Pedro pangalan nun, Thomas talaga. Tawagan lang namin yung Pedro.

"Uy! Jane! Pedro, kamusta ka na?"

"Okay lang ako! Pasama naman oh! Dali nagmamadali ako." Hinila ko siya.

"Ha? Eh, hihintayin ko pa girlfriend ko, eh." Napakamot siya ng ulo.

"Dali na! Balik ka na lang agad dito! Magpapasama lang talaga ako."

"Sige na nga." Hinila ko na siya. Tapos tumakbo na kami.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita? 2 weeks ka ng absent. Hinahanap ka na ng teachers." Naku, hindi pa pala nila alam na lumipat na ko ng school.

"Eh, basta! Long story. Tsaka ko na sasabihin. Let's go."

Tumakbo na kami papuntang gymnasium. Nasa dulo pa kasi yun kaya kailangang tumakbo.

Habang tumatakbo, ramdam na ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Ano kayang mangyayari kapag nagkita kami? Syempre kailangan pa-cool. Kailangan parang normal lang. Hindi ko pwedeng ipakita na hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako...

Lost Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon