Lost Happily Ever After~3

36 1 0
                                    

June 15, 2011

Official start na ng classes. Nung last two days kasi puro orientation and stuff lang. Ngayon pa lang talaga namin makikilala yung teachers namin. Yung ibang teachers introduction muna, yung iba naman na nagpapaka-KJ, discussion agad. (-____-) Ngayon din yung seating arrangement (na sana wala). Sana magkakatabi kami. *crosses fingers*

Maaga-aga kaming dumating ng school kaya dumeretso muna kami sa lockers para ilagay yung iba naming gamit. At dahil nagugutom ako at umalis na yung magagaling kong kaibigan, mag-isa akong pupunta sa canteen. 

Habang naglalakad ako, pakiramdam ko parang may sumusunod ako pero di ko na lang pinansin.

Maya-maya may tumabi sa'kin

(O____O)

Ohmygod. Okay, hinga muna. Huwag magpanic, Jane. Kumalma ka. Huwag ka munang kikiligin. Sagutin mo muna ng Hello.

"H-Hi, Daniel!" Ngiting-ngiti ko pa sinabi 'yan

"Mag-isa ka lang?"

Gusto ko sanang sabihing "Malamang" kaya lang dahil ito'y sa Daniel, pacute muna. :D

"Ah. Oo eh." Tumawa na lang ako ng pilit.

Next: SILENCE. Di na siya nagsalita. pati rin naman ako eh. Awkward naman. Panis na laway ko. Nabibingi na rin ako sa katahimikan. Canteen, nasan ka na ba kung kailan kailangan na kita?

Maya-maya nakita ko siyang parang may kinakausap. Pasimple akong tumingin sa katabi niya. NGEK! May kasama pala siya. Ba't ngayon ko lang napansin? Si Martin pala yung katabi niya.

"Uhmm.. Jane, si Martin pala" Sa wakas nagsalita na rin

"Hi" sabi ko na lang.

Nagsmile lang siya ng konti na parang pilit pa tapos nauna nang maglakad. HMPH! Suplado talaga! Sapukin ko yun eh. Sayang gwapo pa naman. 

"Sorry about that." Buti pa 'tong si Daniel, gwapo na, mabait pa! :""">>

"Ahehehe. Okay lang yun, ano ka ba!"

Tumawa siya, "Pano ba yan, una na ko ah? HInihintay na ko ng mga kaibigan ko"

"Ah, g-ganun ba... Sige, BYE!"

"Bye! See you later!"

Later?

*KRRRRRRIIIIINGGGGG!!!!!!*

HALA! Nagbell na! OHNO! FIVE MINUTES NA LANG! NOO! Di pa ko nakakabili ng pagkain ko. Gutom na ko. Huhu. :( No choice, tumakbo na ko papuntang classroom. Mahirap na, baka malate. Kainis, ang bilis naman ng oras.

Pagdating ko,

"Teh! San ka galing? Ang tagal mo! Pagkain namin?"- Kristine

"Ha? *hinga* Hi-hindi ako na-naka-*hinga*-bili eh."

"EH? Ba't ang tagal mo?"- Karen

"H-ha? A-he-he-he." *blushes*

"AY ALAM!"- silang tatlo

"Uy, si Martin ba yan? Ha?"- Joyme

"HAAA??!!"

Nabatukan tuloy siya ni Kristine, "Ano ka ba Joyme! Si Daniel. Martin ka dyan! Ang suplado kaya nun!"

"I agree. Pati ayaw kaya ni Jane sa mga suplado. Di ba, Jane? Di ba?"- Karen

"A-ah. Oo. Suplado nun eh!"

"Kitams?"- Karen

"Oo na. Bagay kaya kayo. Hehe!"- Joyme

Bago pa ko makareact,

"Good Morning class!"

Pagkarinig ko nun, napaupo agad ako.

"Good morning, Sir!"

Wow, mukhang bata pa si sir ah. Sana makaclose namin. Mehehe.

"Guys, mukha kayong natatae, alam niyo ba yun? Chill lang, hindi ako nangangagat. Hahaha. So, mamaya na tayo magpakilala, ay joke, magpapakilala muna pala ako. Ako si Allen Villaluz, your class adviser for this year. Bago kayo mag-introduce, gusto ko, on the count of five, nakaupo na kayo sa ibang upuan tapos alternate, okay? Boy, girl. Ayos ba?"

Nag-agree naman kami. Okay lang naman talaga sa'kin. Medyo marami naman akong kilalang lalaki dito. Pero, sana magkakalapit pa rin kami nina Karen.

"Great! Ready, GO!"

Nagsitayuan at nagtakbuhan kami.

"5"

San ako uupo?

"4"

Ayoko sa unahan.

"3"

Ayoko sa likod

"2"

Bahala na nga

"1"

Dito ako sa may bintana sa gitang row.

"Time's up!"

Buti na lang nakaupo. WHOO!

Pagtingin ko sa katabi ko, (O__O), Si Martin.

Yung di ko pa ka-close, yung masungit pa, yung suplado, bakit siya? (>__<)

-----------------------------------------------------------------------

A/N:

Ang tagal ng update. HAHA! :D Buti nga to nauupdate ko, yung isa kong story hindi eh. Ajuju, writer's block. >.<

OH YAN! UPDATED NA TO! XD Feeling ko nga hindi to magiging short story eh. Baka mapahaba na. 

Vote and comment. :)))

Salamat,

XOXO

-zoeeeyraa ♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon