Chapter 14 - Island

97.3K 2.3K 152
                                    

Sandaling natigilan si Ellah nang makita niya ang kabuuan ng isla—maganda pero nababalot ng misteryo. Naramdaman niya ang pagtayo ng mga balahibo sa kaniyang katawan.

Pagbaba nila ay sinalubong agad sila ng maraming armadong tao. Bahagyang yumukod ang mga ito sa kasama niyang doktor at nagsalita ng ibang lengguwahe para hindi niya siguro maintindihan.

Napakapit siya sa braso ni Kleve at biglang nakaramdam ng kakaibang takot. Hindi pa rin ito gaanong maayos, pero kaya na nitong tumayo. Ang soft-spoken at tila anghel na laging nakatunghay sa kaniya ay biglang tumigas at nag-iba ang kislap ng mga mata.

"No, I won't let him. Pinagbigyan ko lang siyang bugbugin ako but not this time," hindi mapigilang sagot nito sa lalaking may malaking tatto sa kabilang braso. Nakasabit ang malaking armas sa maskuladong katawan at may pilat ito sa gilid ng pisngi.

"Kleve . . ." mahinang tawag niya para kunin ang atensyon ng binata, ". . . magpahinga ka muna, saka na natin isipin ito."

Tumango ito at hinaplos ang kaniyang pisngi. Hindi niya napigilang mapakislot sa ginawa nito. Bigla siyang nanibago sa pinapakita nitong galaw sa kaniya. "Okay, let's go . . ." Niyaya siya nitong tumuloy sa malaking resthouse na nakatayo sa harapan.

Mula sa malaking resthouse nito ay may nakapaligid na mga armadong guwardiya. Nagtataka tuloy siya kung bakit sobrang dami ng tauhan nito. Inisip na lang niya na baka siguro ay pinaghandaan lang nito ang pagsalakay ni Cuhen. Sana naman ay hindi na siya masundan nito at patahimikin na lang ang kaniyang buhay. Ito pa ang may atraso sa kaniya, pero kung umasta ay siya pa itong may malaking kasalanan.

Kung kaya lang niya sanang ipagtanggol ang sarili sa pamamagitan ng pera, ginawa niya na. Pero alam niyang kung pera ang basehan, talo na siya. Walang-wala siya rito at hindi sapat ang ebidensya niya laban sa lalaki. Hindi niya ito basta-basta maipakukulong gaya ng gusto niyang mangyari.

Hindi siya makatulog sa gabing ito, at kahit anong pilit niya ay hindi siya dalawin ng antok. Halos baliktarin na yata niya ang sarili sa malambot na kama para makatulog ay wala iyong epekto. Ang lakas din ng tahip ng puso niya—parang may pinapahiwatig na panganib, kaya lalo siyang hindi makatulog.

Napabangon siya at sumilip sa bintana. Madilim sa labas, pero sapat na ang repleksiyon ng buwan para makita niya ang kagandahang taglay ng karagatan at ang ritmong nanggagaling sa mahinang pag-alon nito. Napansin niya ang ibang mga taga-bantay sa isla na patuloy na nagroronda. Nagbabantay talaga ang mga ito, at sa tingin niya ay hindi basta-basta ang mga tauhang nakuha ni Kleve.

Marahan siyang napahinga nang maluwang sa isipin na hindi na sila masusundan pa ni Cuhen. Hindi magtatagumpay ang lalaki sa kung anuman ang plano nito. Pero agad siyang napakislot nang mahagip ng kaniyang mga mata na biglang bumulagta ang isa sa mga guwardiya na mag-isang nagpunta sa isang area para umihi. Sa nakita, bigla siyang namutla! Lalo na nung makita niya ang lalaking may gawa niyon sa guwardiya nung tumama ang repleksyon ng buwan sa mukha nito.

Cuhen?!

Pinanlamigan siya sa pangalang namuo sa utak niya. Imposible! Hindi siya puwedeng masundan nito. Hindi! Paano at bakit sila nasundan agad ni Cuhen sa islang ito?!

Nagmamadaling tinungo niya ang silid ni Kleve, pero pagbukas niya ay wala ito roon. Dali-dali siyang bumaba ng hagdanan at nagbakasakaling nasa kusina lang ito. Kailangan niya itong sabihan na nasundan sila ng lalaki, at kailangan nitong protektahan ang sarili. Pero naikot niya na ang buong bahay ay walang Kleve siyang nakita.

No! Hindi pa naman siguro patay si Kleve, right? Hindi! Hahanapin ko lang siya ulit.

Napatingin siya sa tatlong armadong lalaki na sabay pumasok sa isang silid. Hinintay niyang lumabas ang mga ito para tanungin, pero inabot na siya ng bente minuto ay hindi lumabas ang mga ito, kaya naglakas-loob siyang pumasok doon. Isang library room ang bumungad sa kaniya. May kalakihan ito. Tumingin siya sa bawat sulok, pero wala siyang makitang tao sa loob.

DOMINANT SERIES 1: Abducted (Completed) CUHEN MALCOGNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon