A/N: wahahaha.. ewan ko po kung magustuhan ninyo.. pero sana po.. salamat po ha.. maraming maraming salamat po.. ^______^ short lang po ulit ito.. ^____^
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
PERA!
Aminin man natin o hindi.. Madalas, pera ang mahalaga sa atin..
Bakit? Simpleng lang..
Dahil sa pera..
Nabibili natin ang lahat ng gusto natin..
Pero alam din naman natin na may mga bagay na hindi nabibili ng pera..
Tulad ng hangin..
Pero di ba? Hindi rin naman nabibili ang pag-ibig.. O ang tinatawag nating pagmamahal..
Kung sana lang nabibili ito..
Nabili ko na sana ang mga NGITI at TAWA mo..
Nabili ko na sana ang mga SULYAP mo..
Nabili ko na sana ang PAGMAMAHAL mo..
Pero hindi ih.. Hindi ko kayang bilhin ang mga yan..
Dahil nga ito nabibili..
Ako si Marissa.. Ang babaeng umaasa sa pagmamahal mo..
Ang babaeng naghahangad na kahit kisap mata lang..
Sulyapan mo ako..
Ang babaeng kahit saglit lang..
Kahit sandali lang..
Maging dahilan ng mga tawa at ngiti mo..
Pero hindi rin..
Dahil ako lang din ang babaeng mula't sapol naman eh kaibigan lang ang tingin at turing mo..
"Hoy! Issa. Tambay ka naman dyan sa harap ng bahay namin." pasigaw mong tawag sa akin..
Sanay na ako.. Na ang pagsigaw mo.. Natural na yun sa'yo.. Ngumiti lang ako..
Lumapit ako sa'yo at may inabot sa'yo.. "Ano 'to?" tanong mo..
"Regalo ko." sagot ko.. "Happy Birthday." bati ko sa'yo at hinalikan kita sa pisngi..
Hindi ko alam kung bakit.. Pero bigla mo akong tinulak.. Na para bang ayaw mong madikit sa akin..
"Bakit?" takang tanong ko.. "Girlfriend ko." sagot niya.. Sabay turo mo sa babaeng nasa labas ng gate ninyo..
Nalungkot ako.. Dati-dati naman.. Kahit pupugin kita ng halik sa pisngi.. Kahit sa harap pa ng maraming tao.. Okay lang..
Pero ngayong may girlfriend ka na.. Para namang diring-diri ka sa akin.. Gusto ko nga umiyak.. Kaibigan mo na nga lang ako..
Hindi mo na nga ako kayang mahalin.. Pero pati ba naman paglalambing sa'yo.. Ipagbabawal mo na rin? Ang saklap naman ng buhay ko..
Tumalikod ako upang hindi mo makita ang pagtulo ng luha ko.. Ayoko kasing makita mong umiiyak ako.. "Happy Birthday na lang ulit, Kaibigan." sabi ko sa'yo at naglakad na palayo sa'yo.. Palayo sa inyo ng girlfriend mo..
After ng kaarawan mo.. Hindi na kita nakita.. Oo.. Umiwas na ako sa'yo.. Ilang araw na hindi nagapakita sa'yo.. Ayoko kasing maging dahilan pa ako kung sakaling magalit ang girlfriend mo..
Pero alam mo ba? Miss na miss na kita.. Kaya heto ulit ako.. Sa harap ng bahay mo.. Para kahit saglit.. Makita man lang kita..
Bigla kang lumabas ng bahay mo.. Nagulat ka ng makita mo ako.. Agad kang lumapit sa akin at niyakap ako.. "Miss na kita, Issa." sabi mo sa akin ng kumalas ka sa pagkakayakap sa akin..
"T-troy." sabi ko.. Heto na naman ang luha ko.. Wala pa akong sinasabi at ginagawa.. Nag-uunahan agad sila sa pagpatak.. "M-mahal kita." amin ko sa nararamdaman ko..
"Mahal din naman kita, Issa." sabi mo.. Matutuwa na sana ako.. Pero.. "Magkaibigan tayo di ba? Natural lang na mahal natin ang isa't-isa." dugsong mo..
Tuluyan ng namalisbis ang mga luha ko.. "Troy, mahal kita. Mahal kita higit pa sa pagiging kaibigan." sabi ko sa pagitan ng pag-iyak..
"Issa.." sabi mo..
"Mahal na mahal kita, Troy. Sana mahal mo rin ako higit pa sa kaibigan." pagmamakaawa ko sa'yo..
"I-I'm sorry, Issa." sabi mo..
Sorry? Yan ang salita na ayokong marinig mula sa'yo.. Dahil isa lang naman ang ibig sabihin noon..
Hindi mo ako mahal tulad ng pagmamahal ko.. Hindi mo ako mahal tulad ng gusto ko.. Umiyak na ako ng umiyak.. Niyakap mo ako at inalo..
"Sorry. Sorry. Sorry." paulit-ulit mong sabi sa akin sa pag-aakalang mapapalubag noon ang loob ko..
Pero mali ka.. Lalo lamang akong nasasaktan.. Lalo mo lamang pinapamukha sa akin na hindi mo ako kayang mahalin..
Tumakbo ako palayo sa'yo..Hindi alintana ang mga luhang pumapatak sa aking mga mata.. Ang gusto ko lamang ay makalayo sa'yo.. Makalyo sa sakit na dulot mo..
Kung sana lang nabibili ang pagmamahal.. Pagmamahal mo ang unang-una kong bibilhin.. Para maging masaya ako.. At hindi lumuluha ng ganito..
Kung sana nabibili lang ang pagmamahal.. Wala sanang katulad ko.. Na umaasa ng pagmamahal mula sa taong mahal nila..
Kung sana nabibili lang..
*end*
A/N: waaaaleeeeeey ba? waaaaaaaaaaaaaahh.. maiba naman.. hahaha.. alam ko sad.. naisipan ko lang.. para maiba naman.. gawin naman nating sad yung ending.. (salaw ko..) ahahaha.. (wala po ito kasunod.) ^__^ salamat pa rin po sa babasa kahit sad yung story.. salamat po.. (kring.. yung story mo.. pasensiya na ha.. wait ka lang dyan.. nag-iisip pa ako kung papano ko bubuuin yun ih.. kaso sa kakaisip ko.. ibang story nagagawa ko.. sorry ha kung matatagalan.. salamat sa pag-intindi..) love you readers.. salamat po.. ^_______^ (kung mali-mali po ang type.. pasensiya na po.. :)) ) thanks..