Chapter 1: Announcement

15 0 0
                                    

Excited na ako. Paano ba naman kase ia-anounce na ang mga bus number na sasakyan para sa camping. Well, excited na ako kasi out of town sya kaya masaya. Dati kasi dito lang sa Manila eh pero ngayon hindi na. Wala pang exact place at date pero sabi nila malapit na daw, kaya I can't wait!

"Cattleya iha! bumaba ka na riyan at baka malate ka..." tawag sa akin ni Manang.

"Opo!" sagot ko... Actually, wala talaga akong balak pumasok ngayon kaso kinausap ako ng mga teachers ko na kapag hindi ako pumasok ay baka maging repeater ako eh ayaw ko nun kaya no choice.

After mamatay ng lola ko hindi ko pa kayang pumasok at lumabas ng kwarto ko. Matagal-tagal din yun, siguro 3 weeks? Oo, 3 weeks kaya nga pinuntahan na ako ng mga teachers at ng mga kaibigan ko dahil ida-drop out na daw ako, ayaw ko naman nun kasi nag promise ako sa lola ko na ga-graduate ako anumang mangyari. Kaya heto ako ngayon, gumising ng maaga, naligo at kasalukuyang nagsusuklay sa harap ng salamin...

           'Panibagong araw na naman to, Cattleya'

Natigil lang ako sa pagkausap sa sarili ko ng kumatok si Manang "Iha hindi ka pa ba tapos riyan?"

"Tapos na po, bababa na ho ako"

"Sige, bilisan mo at malelate ka niyan"

"Opo..." inayos ko lang yung mga gamit ko atsaka ako bumaba.

"Iha kumain ka na nagluto ako ng paborito mong sinigang"

"H-ho?"

"Bakit? ayaw mo ba ng sinigang? ang sabi sa kin nung lola mo ay paborito mo raw iyan."

"Oo nga po pero hindi po ba nasabi ni Lola na..."

"Na ano iha?"

"Na hindi po ako kumakain ng sinigang pag iba ang nagluluto."

"Ay ganon ba? Naku, pasensya kana maupo ka riyan at lulutuan kita ng iba."

Nakaramdam naman ako ng guilt kaya, "Naku, wag na ho magsi-cereal na lang po ako."

"Pasensya na talaga iha hindi ko alam."

"Okay lang po talaga paki-abot na lang po ng cereal."

"Sige..." nang maiabot ni manang sa akin ang cereal ay pumasok siya sa kusina nang nakatungo.

Haysss...

"Manang! Papasok na ho ako"

"Sige iha, mag-iingat ka at pasensya na ulit"

"Manang, okay lang po talaga. Ako nga po dapat magsorry dahil hindi ko kayo masabayan eh."

"Naku bata ka, sige na at malelate kana."

"Sige po... Bye Manang." pagkatapos nun ay sumakay na ako sa sasakyan namin at umalis na. Kinakabahan ako sobra at dalawang bagay ang dahilan nun.

Una, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng mga kaklase at mga teachers ko kapag nakita nila ako at pangalawa yung lalaking pinagsukdulan talaga sa akin na wala akong pag-asa sa kanya pero nang malaman nyang namatayan ako ng kaisa-isang pamilya na natira sa akin pinuntahan nya ako sa bahay.

FLASHBACK

Tok... Tok... Tok...
"Cattleya iha... May bisita ka, Kieroh ang pangalan... Babain mo muna saglit iha."

"Manang ayoko po, paalisin nyo na po sya."

"Cattleya, can we talk?"

"Go away Kieroh! leave me alone!"

Friends: Let's testWhere stories live. Discover now