19

100 9 0
                                    

Bumangon ako at naghanda ng breakfast. Nag-inat ako. Gutom na ako. Hindi pa kami nakakapag-breakfast. Ang tagal pala naming natulog.

Then I remembered, matutuloy ba 'yung camping naming dalawa? I want to. But I guess Ian's tired. He's still asleep.

Lumabas muna ako at nagpasyang diligan ang mga halaman sa harapan ng bahay. Humihikab-hikab pa ako. Ang sarap ulit matulog.

"Ms. Del Vega?"

Tiningnan ko kung sino iyon at laking gulat ko nang makitang si Conrad iyon! Iyong OB ko!

"Conrad! Ikaw pala." Binuksan ko ang malaking gate at lumabas. Nakangiti ko siyang hinarap.

"Yeah. I just visited a friend. You live here?" Bahagya niyang sinulyapan ang malaking mansyon nila Ian at sa akin naman ngayon ang tingin niya.

"Hmm," nakangiti kong tango.

Kumunot ang noo ko nang napadako ang tingin niya sa aking likod. Lilingunin ko rin sana kung sino iyon ngunit nagulat ako nang may humawak sa aking bewang. Pagtingin ko, si Ian pala. Awtomatikong nagwala ang aking puso. Nginitian ko siya. Halatang bagong gising! Ang gwapo pa rin!

"Ian! You're awake!"

"Uh-huh..." he replied without averting his glance at me.

"Ah, Nia, I need to go." Tumango si Conrad sa amin at umalis na palayo. Nakapamulsa ito. Kumaway pa ako kahit hindi niya nakikita.

"Who is he?"

Tumigil ako sa pagkaway at binalingan si Ian. "He's my OB."

His forehead wrinkled at my statement. "A guy?"

"Oo. Nagulat nga ako eh. Family friend daw iyon sabi ni mommy." Nagkibit-balikat ako at hinila na siya sa loob at pinagpatuloy ang pagdidilig.

Hindi ko na narinig ang sunod niyang sinabi. Nakita ko na lamang siyang pumasok sa loob. Nagpatuloy ako sa pagdidilig. Nang matapos, pumasok na ako.

Nakita ko siyang nakakunot pa rin ang noo. Nakaupo sa sofa sa living room, kaharap ang kaniyang laptop.

"Ian! Kain na tayo..." Nakanguso kong sabi.

"Hmm, yeah."

Ano ba yan. Di naman ata to nakikinig eh.

"Iaaan!"

"Yeah..." Tanging sagot niya.

"Bahala ka nga riyan!"

"Yeah..."

Umirap ako sa kawalan at padabog na dumiretso sa kusina. Gutom na ako! Pero nakakainis talaga! Ang abnormal naman! Biglang ganoon ang pakikitungo niya sa akin.

Halos murder-in ko ang hotdog. Bawal kumain kapag galit, pero gutom ako! And I'm angry at the same time. Sinusulyapan ko si Ian na abala sa kaniyang laptop. Hindi man lang nag-abalang tingnan ako kanina. Siguro nagfe-facebook siya sa laptop niya, tapos nagchachat sila ni Tasia!

Edi wow.

Nang matapos ay padabog akong tumayo at nilagay sa lababo ang pinagkainan. Ngunit sa sobrang katangahan, nahulog ang plato at nabasag iyon! Pagpulot ko'y nasugatan ang aking kamay.

"Aish..." Kinagat ko ang labi. Dumudugo!

"Nia!" Patakbo akong tinungo ni Ian. Lumuhod siya at kinuha ang kamay ko.

"It's bleeding!" Pinatayo niya ako. "Gamutin natin."

"Ian, I'm fine." Akmang babawiin ko ang kamay ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak.

A Night To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon