Kabanata 3

229 9 0
                                    

Gohan Bueno

I always told myself, kung magkakaasawa at magkaroon ng sariling pamilya, hindi ako magloloko. Hindi ako gagaya sa ama ko na nililibang ang sarili sa iba. Bakit kaya may mga tao na hindi marunong makuntento? Bakit kailangan pa nilang saktan ang kanilang minamahal kapalit ang sariling interest?



Bigla ko namang naalala ang ex-girlfriend kong si Kath. Ex-girlfriend ko nga ba siya o kami pa? I don't know. She just left me without explanation. Bigla siyang nangibang bansa nang hindi man lang nagpaalam nang maayos sa akin. Deserve ko naman ng explanation, 'diba? Bakit ni isa, wala akong natanggap?



Kung darating man ang araw na babalik siya, am I ready enough for her comeback? Tatanggapin ko ba siya ulit kapag sinagot niya ang mga katanungan gaya ng "kung bakit niya ako iniwan?". Tatanggapin ko ba siya if ever she would explain her side to me? Hindi ko pa rin alam.



"150k, sir," bigla akong nabalik sa huwisyo nang magsalita ang cashier.



"Oh," agad ko namang hinugot ang wallet na nasa bulsa ko para kunin ang aking credit card.



Naisip ko kasi na bilhan si mama ng bag. Ito lang ang naisip na ibigay ko sa kanya kasi napapansin ko na limang taon nang gamit ni mama ang hand bag niya. It would be great if I buy new one for her lalo na't alam kong magugustuhan niya talaga ito.



Hindi ko kasi alam ang size ni mama, bibilhan ko sana siya ng damit niya. Maybe next time, isasama ko siya para naman mabilhan ko siya ng damit na gusto niya.



Gabi na nang magpasya akong lumabas ng mall. Pagod na rin ang katawan ko at tinatamad nang kumain ng dinner. Busog naman na ako kaya hindi na ako kakain at isa pa, nag d-diet ako kaya ayokong kumain nang kumain.



Bago ko pa mapaandar ang makina, biglang nag ring ang phone ko sa isang tawag mula kay mama. Heto na naman ang protective kong mama. Alam kong nag-aalala na siya sa akin kung bakit hindi pa ako nakauwi.



Napangiti ako bago sinagot ang kanyang tawag. "Yes, mom?"



"Nasaan ka na ba, Gohan? Kumain ka na ba? Uuwi ka ba rito o sa condo mo?"

To Love Again [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon