My Sister's Fiancee

120 0 0
                                    

Prologue: 

" I Love You Evan."

Sabay hinalikan ko siya sa labi. Ang lambot ng kanyang mga labi. 

"I Love You Too Melissa."

Hinalikan niya ako ng hinalikan, hanggang nangyare na ang nangyare. 

Chapter One: 

Haba ng pila. Andito lang naman ako sa McDo, wala gusto ko lang kumain kaso ang oorderin ko ay kape, tapos mamayang gabi, dadating daw ang fiancee ng kapatid kong si Alessandra. Habang nasa pila ako.. Biglang may bumati sa akin .. 

"Hi!! :))" 

"Uhh.. Hello.." 

Tapos biglang nagsalita yung babae sa counter.. 

"Next please. What's your order maam? :))"

"Umm, just chocolate drink please " 

"Okay maam.. Anything else?" 

"Noth---" 

"Umm yes please.. Brewed Coffee please." 

Tapos inabot niya yung credit card niya at binayaran yung order ko at order niya, tapos umupo kaming dalawa dun sa sulok malapit sa bintana. 

"I can pay for my own.. Pero salamat." 

"Okay lang. Anyway Evan." 

"Melissa." 

"So tell me about yourself Melissa." 

Medyo nagblush ako ng bahagya, Ewan ko kung bakit mabilis din ang tibok ng puso ko.. 

"Uhh, Melissa Schwarts. 19 years old. 4th year college. Uhmm.. Education ang course ko and major in Music.. Tapos photographer sa isang studio." 

Ngumiti siya, tapos nginitian ko rin siya.. 

"Uhmm.. Ikaw naman.." 

"Ah.. Evan Bautista. 24 years old, Graduate ako ng marketing." 

"Ahh.. Gan--" 

Biglang nagring yung phone ko, si Alessandra tumatawag.. 

"Uhh,, Excuse me.. Sasagutin ko lang to." 

"Sure sure." 

"Uhh hello?" 

"Melissa!!! I miss you.. Umuwi ka na, magreready ka pa.. Ilang oras nalang dadating na yung fiancee ko mamaya." 

Tinignan ko ang orasan ko at 4:30 na pala.. tapos 6:00 pm yung dinner. Lakas ng tili ng babaeng to.. 

"Sige na.. Parating na ako.." 

Sabay end call nabibingi ako sa tili ng babaeng yun. Bumalik na ako dun sa inuupuan namin tapos kinuha ko bag ko at bahagya ng nagpaalam kay Evan.. 

"Alis na ako, It was nice meeting you." 

"Sige, magkikita pa ba tayo?" 

Sinulat ko yung number ko dun sa isang tissue at inabot sa kanya.. 

"Heto " 

"Salamat." 

Umalis na ako at binuksan ko na yung kotse ko. Inaandar ko na, kaso biglang nagring yung phone ko. 

"Hello, sino to?" 

"Evan  Baka ibang number kasi ang ibinigay mo." 

Tapos binuksan ko yung bintana ko at nakita ko siyang nakatayo doon. Tapos nginitian ko siya tapos saka ko inandar yung kotse ko. 

*** 

4:55 na ako nang makarating sa bahay. Tapos agad akong umakyat sa kwarto, para maligo at mag ayos.

Natapos na akong maligo at 5:20 ako natapos. Nag ayos ayos na ako, nagmake up tapos sinuot ko yun dress na binili ko nung isanag araw pati yung sapatos ko.. 4 inch lang naman. 

Tapos maya-maya narinig kong sumigaw si mama.. 

"Anak!! Halika na, bumababa ka na jan." 

Tapos bumababa na ako. 

"Melissa!!!!! Sobrang namiss kita!!" 

Sobrang higpit ng yakap niya sa akin.. 

"Namiss din kita.." Sabay ngiti. 

Kumawala siya sa yakap namin tapos pinakilala na niya ang fiancee niya.. 

"Ma, pa si Evan, Fiancee ko.." 

Gulat sila mama at papa.. Tapos nang makita ko siya, biglang nalaglag ang panga ko at pati rin siya.. 

"Shit." 

My Sister's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon