MSF 13

13 0 0
                                    

Melissa's POV 

Pagkagising ko, bakit nasa bahay ako? Pagkatayo ko, oh sh^t! Ang sakit ng ulo ko!! Akala ko nasa hotel ako, hinatid pala ako ni Christian dito sa bahay, tapos nakita ko nalang yung maleta ko.. What the? Paano napunta lahat ng gamit ko dito? Kinuha ko agad yung phone ko tapos saka ko tinawagan si Christian.  .

*ring ring--* 

"Good Morning!!" 

"Gago! Paano ako nakauwi dito?! Paano napunta lahat ng gamit ko dito?" 

Pasigaw kong sabi sa kanya. 

"Ahh yun ba? Sinabi mo yung problema mo sa akin jan sa bahay niyo, tapos pinuntahan ko yung hotel kung saan ka naka INN, tapos kinuha ko lahat ng gamit mo, napag isip isip ko kasi na, you'd better go home to fix your problem." 

Haba ng sinabi niya, but thanks still sa kanya.

"Thanks Christian! I'll call you later again." 

"Sure if you need anything." 

"Bye." 

I got up on my bed, pagkabukas ko ng pinto, bumungad agad sa akin ang mukha ni Evan, 

"Uhh.. Morning Mel--" 

Hindi ko na siya pinansin, dirediretso lang ako tapos umupo sa may dining table. Naabutan kong kumakain sila mama at Alessandra, nagtatawanan sila, siguro pinag uusapan nila yung "KASAL" niya. 

Pagkaupo ko doon, bigla silang natahimik. 

"Ba't natahimik kato? Tuloy niyo lang, di bale hangin lang naman ako dito. Isipin niyo na walang Melissa dito. Ah oo nga pala ano? Talagang walang Melissa dito." 

TApos saka ako tumayo. Nakakawalang gana tuloy kumain. Namiss ko na si papa, andun pa kasi siya sa California, naiwan siya dahil dun sa work niya, ilang years pa bago siya makakabalik. 

Wala pa ring nagsasalita sa kanila, umakyat na ako sa kwarto ko tapos naligo nalang ako at nagpalit.

Tapos tinawagn ko si Christian. 

"Hello?" 

"Ohh..?" 

"Tara, kain tayo sa labas, nakakawalang ganang kumain dito."

"Cge after 20 minutes, i'll be there." 

"Bye!" 

* * * 

Bumababa na ako tapos andun silang lahat sa sofa tapos umakyat naman si Evan. .  Naiwan ulit si mama at Alessandra. Lalabas na sana ako, pero biglang nagsalita si mama. 

"Nak, saan ka pupunta?" 

"Ma, wala ka nang pake don. Wala din naman akong silbi dito, tinuturing niyo lang akong parang hangin dito." 

My Sister's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon