Pagtatampo

15 2 0
                                    

Kinabukasan, nagkaroon kmi ng group activity.

"Uy boi dapat ganito ang gagawin natin, di ganyan", sabi ni Jonathan ng may paninindigan

'Di nga dapat ganito'

"Makinig ka sakin boi eto ang tama", sabi uli nya

'Oh sige bahala ka'

Nainis ako sakanya dahil nagmamarunong sya.

Dahil sa sobrang badtrip ko, di ko pinansin ang kahit sino

*Pakatapos ng Lunch Break*

"Anyare sayo pre", wika ni Marl

*Di lang ako umimik*

"Badtrip ka ata par"

Sa sobrang inis ko di ko narin kinakausap si Clare.

Nagduda si Clare kung bakit di kona siya kinakausap. Di tulad ng dati ay minu- minuto ko syang kinukulit.

"Kuya bat di namamansin si Hansel?", pagdududang sabi ni Clare.

"Di namn siya ganyan dati".

"Badtrip nga eh!", sabi ni Marl

Nagkaroon kmi ng pagsusulit noong oras na yun at di talaga ako namamansin.

*pagkatapos ng pagsusulit*

Sa ilang minuto kong pagmumukmok, humupa narin ang inis ko.

"Ok ka lang boi?", tanong ni Marl

'Ok na pre'

Naisipan konang kausapin si Clare dahil di na ako badtrip. Ngunit sa di ko inaasahang pagkakataon nainis din siya sakin.

'Uy Clare'

"Ano man sayo?!", galit na wika ni clare

'Galit kaba?'

"Di lugod!"

"Yan kasi di mo pinapansin kanina, yan tuloy nagtampo", pasingit ni Marl.

'Sorry na Clare'

" Ewan ko sayo!"

"Di rin kita papansinin".

'Uy sorry na badtrip lang talaga ako kanina kaya di ako namamansin.'

"Sus, pwes badtrip rin ako kaya di rin kita papansinin"

Di ako sumuko na kulitin siya hanggang mapatawad niya ako.

Nagkabati na kami ni Clare at dun ako sa tabi niya umupo at nag-usap kmi maghapon.

My First LoveWhere stories live. Discover now