Pahina 1 - 1

5 0 0
                                    

1 - HIRAP MAGING BAKLA

Maaari sana na maging tayo
Pero ang sagot mo sa akin
na nirerespeto mo lang pala ako
Simpleng limang salita nagpatuwa
ng aking pusong desperado
puso kong nangangailangan ng pag-ibig mo
sana maging tayo pero 'yon nga bakla ako
Ako sana ang sagot sa lahat ng tanong mo
pero ang hinanap at inibig mo
ay isang taong 'di tulad ko

2 - IKAW AT AKO

Ikaw at ako
magkakaroon ba ng tayo?
Bakla nga 'ko
pero sana mahalin mo ako
masyadong hinalata ko para sa 'yo
sinabi ko nga ang totoo
na may gusto ako sa 'yo
pero ako ba gugustuhin mo?

Hugot ko Para sa InyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon