Kung 'Di Rin Lang Ikaw

20 3 0
                                    

Kung 'Di Rin Lang Ikaw

Nagmahal lang naman ako pero bakit? Bakit ako nasasaktan ng ganito? Emo ko 'no? Hehe.

At naniwala naman kayo sa kagagahan ko? Ito napapala ng walang makausap e. Paano ba naman kasi yung pinaka, as in pinaka mabait kong bespren. Ayun! Busy sa ka-chat niya.

Hmmp. Ako yung bespren pero bakit ako yung di pinapansin? Mas pinapahalagahan niya pa yung cellphone niya kaysa sa'kin.

Tsk. Edi magsama sila. Bahala na siya d'yan. Kainis!

"Meannie, umuwi ka nalang at magpakaloka loka. Doon ka na sa bahay mo! Kausapin mo yung mga gamit doon, malay mo sumagot pa."

Napalingon siya sa'kin at saka umiling. Akala niya siguro natuluyan na 'tong bespren niya, kasalanan niya 'to e. Kung ako lang kasi yung pinapansin niya.

Aalis na sana ako nang bigla s'yang tumayo at luminga linga.

'Yieee. Ayaw ako paalisin ng bespren ko.' Bulong ko sa sarili ko.

Napabusangot ako nang may lumapit sa kanyang babae at hinalikan siya sa pisngi. Sa pisngi lang! Hehe buti naman.

Nakita ko naman ang kinang sa mga mata ng bespren ko. Hays, halatang in love na in love.

Kung ako kaya, ganyan din ba ang makikita ko sa mga mata niya?

Napailing nalang ako sa naisip ko.

'Meannie. Alam mo namang may jowa na 'yang bespren mo, kaya 'wag mo na s'yang pagnasaan. Kadiri ka!'

Konsensya? Is that you? Himala't nagparamdam ka. Anong ganap d'yan kwentuhan mo naman ako oh.

Ayy. Ano ba yun? Natuluyan na?

"Tama na, Meannie. Sira na talaga 'yang utak mo."

Napalingon ako ng may marinig akong tumatawa. Ghad! Tinatawanan nila ako. Kahiya!

Umalis na agad ako dahil nahihiya na ako sa mga pinaggagawa ko.

**

Nasa kwarto ako ngayon at nag iisip ng magandang gawin.

'Ay. May isip ka na pala ngayon?'

Shut up! Di kita kailangan ngayon. Nab bored ako at wala akong maisip na gawin kaya 'wag mo 'kong istorbohin kung ayaw mo ng gulo.

Napatingin ako sa cellphone ko, kinuha ko ito at nagtitingin ng magandang pagtripan. Napadako ako sa mga kanta.

Nahagip ng paningin ko ang isang di pamilyar na kanta.

"Kung 'di rin lang ikaw?" Pagbanggit ko sa pamagat nito.

Hmm. Try ko kaya?

Pinindot ko ito at

Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan

Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?

Kung hindi ikaw ay hindi na lang

Pipilitin pang umasa para sating dalawa

"Hala ka! Uyy. Mas emo pa 'to sa'kin ah."

Giniginaw at hindi makagalaw

Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw

Habang tumatagal ang kanta ay naiintindihan ko na ang pinapahiwatig nito. Bakit natatamaan ako? Bakit feeling ko para sa'kin ang kantang ito at sinandya itong ilagay para mapakinggan ko? Naramdaman ko nalang na basa na ang pisngi ko. Umiiyak ako, umiiyak ng dahil sa kan'ya.

Buti sana kung wala akong minamahal ngayon eh 'no? Hayyss.

Nahihirapan ako sa sitwasyon namin. Mahal ko siya pero bestfriend niya lang ako. Ang saklap talaga. Mahal ko siya pero may mahal s'yang iba.

Kung di rin tayo sa huli

Aawatin ang sarili na umibig pang muli

Kung di rin tayo sa huli

Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

Maawat ba? At magpapaawat ba ang puso ko? Ang hirap, gusto na ng isip kong bumitaw pero ayaw ng puso ko. Magkasalungat sila ng gusto at di ko alam kung sino ang papanigan ko.

Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan

Pipiliin bang umiwas nang hindi na masaktan?

Kung hindi ikaw ay sino pa ba?

Ang luluha sa umaga para sating dalawa

Bumibitaw dahil di makagalaw

Pinipigilan ba ang puso mong iba ang sinisigaw?

Ganito ba talaga? May masasaktan? May mawawasak? May maiiwang luhaan?

Bibitaw na rin ba ako katulad ng iba o ipaglalaban ko ang nararamdaman kong wala na naman talagang paglalagyan?

Kung di rin tayo sa huli

Aawatin ang sarili na umibig pang muli

Kung di rin tayo sa huli

Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

Tama bang sumuko na ako? Aawatin ko na ba talaga ng tuluyan ang puso ko? O mananatiling siya pa rin hanggang sa dulo?

Naliligaw at malayo ang tanaw

Pinipigilan na ang pusong pinipilit ay ikaw

Naliligaw ako at hindi ko alam kung anong daan ang tatahakin ko. Ang daan ba patungo sa ipaglaban siya o ang daan ba patungo sa isuko mo na.

Di ko na pinatapos ang kanta dahil pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga. Pinunasan ko ang mga luha sa aking mata at kasabay noon ang pagpili ko sa daang isuko na siya. Susuko na ako, dahil alam kong hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya n'yang ibigay sa'kin. Di niya masusuklian ang pagmamahal kong higit pa sa pagkakaibigan.

Alam kong masakit at mahirap ngunit para sa'ming pagkakaibigan ay gagawin ko. Aawatin ko na ang sarili ko.

Kahit pagkakaibigan lang ang kaya n'yang ibigay sa'kin ay pahahalagahan ko ito.

Mugtong mga mata.
Sakit ng damdamin.

Mawawala 'yan kapag tuluyan na akong makawala sa pagmamahal ko para sa kanya. Maglalaho ito kasabay ng mga sakit at luha.

Aawatin ko na ang sarili ko. Aawatin ko na itong puso ko na mahulog pa sa'yo. Pakikinggan ko na ang isip ko, bibitaw na ako sa pag-ibig na ako lang naman ang bumuo.

Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

Awat na, tama na, dahil masakit at nakakawasak na.

-wakas-

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon