"Ang ganda ng ngiti nya," sambit ni Theo. Napailing na lang ang katabi nya na si Alexa. Nakatitig na naman kasi ang lalaki kay Ara. Nasa loob sila ng classroom. Break time pa kaya naman nakakapag-usap pa ang mga estudyante.
"Alam mo," panimula ni Alexa. "Kung kinakausap mo na kaya. Matatapos na yung school year di mo pa rin nakakausap, samantalang magkakaklase naman tayo."
Napailing si Theo. Hindi nya kaya. Nahihiya siya. Oo, may gusto siya kay Ara. Nung nagsimula ang klase ngayong taon, nabighani na siya sa taglay nitong ganda. Gustuhin nya man na makausap ito ay hindi nya alam ang sasabihin. Natatakot siya na baka sa sobrang kaba nya ay hindi sya makapagsalita ng maayos sa tapat nito. Baka magmukha lang syang katawa-tawa. Natatakot sya na baka imbes na magustuhandin sya ni Ara, e baka bigla na lang sya kaayawan dahil mukha syang tanga. Napabuntong hininga na lang sya habang tinitignan si Ara. Kahit kailan ang torpe nya talaga.
"Hay naku." Buntong hininga rin ni Alexa. Alam nyang may gusto si Theo kay Ara at halos pati sya e nai-stress sa katorpehan ng katabi nya. Siguro, tutulungan nya rin ang kaibigan kapag di nya na kinaya katorpehan ni Theo.
-----
Nasa Court sila ng kanilang eskwelahan. P.E. ang subject nila ngayon at ang lahat ay nakasuot ng jogging pants at t-shirt na puti. Umalis at pinagwawarm-up muna sila ng kanilang teacher bago magsimula ang kanilang mga activity. Ang lahat ay patuloy lang sa pag-i-stretch ng katawan ngunit mag-iisang oras na ay hindi pa rin bumabalik ang kanilang teacher. Ang mga estudyante ay nagtigil na sa pag-eexercise at nagkumpol-kumpulan na kasama ang kanilang mga grupo. Si Theo ay nakiupo muna sa bench kasama nila Alexa at ng isa pa nilang kaibigang si Mark. Pagkaupo ni Theo ay tinanaw nya si Ara na nakaupo rin sa bench na di malayo sa kanila.
"Naku pre, baka matunaw yan." Pang-asar ni Mark sa kanya. Nakitawa rin si Alexa at nakiasar. "Sobrang torpe mo, Theo! Kausapin mo na kasi."
At kagaya rin ng ginagawa ni Theo kapag inaasar siya, iniling nya na lang ang ulo nya. Napailing din ang dalawa nyang kaibigan. Wala na talagang pag-asa 'to. Napatingin si Alexa kay Mark, kasabay rin ng pagtingin ni Mark kay Alexa. At sa mga sandaling 'yon, parang napagkasunduan ng dalawa na asarin lalo, pwede ring tulungan, si Theo na mapalapit kay Ara. Napatingin si Theo sa dalawa at napakunot ang kanyang noo nang mapansing nagtataasan ng dalawang kilay ang mga ito na parang may masamang binabalak. At bigla na lang syang kinabahan sa biglang pagsigaw ni Alexa.
"Ara!" Sigaw nito kay Ara na sumesenyas pa na lumapit sa kanila. Lumaki ang mata nya. Kinakabahan na palapit sa kanila yung gusto nya. At kinakabahan sa kung anuman ang binabalak ng kanyang mga kaibigan. Tinitigan nya ang dalawa at natatarantang tinanong sa kaibigan kung bakit nila tinawag. Nginitian lamang sya ng dalawa. Hindi na nakasagot dahil nasa tapat na nila si Ara.
"Uy," bati ni Ara. "Bakit, Alexa?"
"Wala naman." Sagot na nakangiti ni Alexa. "Lumabas na yung bagong teaser ng EXO ah!"
Napangiti ng malaki si Ara. Napatulala na lang si Theo sa kanya habang nagsasalita ito tungkol sa teaser ng EXO o anuman yun. "Oo nga eh! Ang tagal tagal na nung huli nilang comeback. Buti na lang naglabas na ng teaser. Grabe yung picture nila. Kung ganun itsura ng habal-habal dito sa pilipinas, naku araw-araw akong sasakay kahit na maubos pa pera ko."
Grabe, ngayon lang narinig ni Theo na ganun kahaba sinabi ni Ara. Nakangiti pa ito. Wala na syang marinig sa pinag-uusapan ng dalawang babae. Nakatingin na lang sya kay Ara, sobrang namamangha.
"Eto si Theo," Napatingin si Theo kay Alexa sa pagbanggit ng pangalan nya. Pinatong ni Alexa ang kamay sa balikat ni Theo. "Gusto nya rin EXO."
Napalaki na naman mata ni Theo. Ano raw? Gusto nya ang EXO? Hindi nya nga alam kung ano iyon. Pero wala na syang nagawa kundi tumango at ngumiti nung tinanong sya ni Ara ng "Talaga? Gusto mo rin EXO?"
Ito ang unang pagkakataon na makakausap ni Theo si Ara. Bumilis ang tibok ng puso nya, sa kaba, sa saya, hindi na mahalaga. Ang mahalaga nakangiti sa tapat nya si Ara. Ngunit nawala ang saya nya, napalitan muli ng pagkataranta dahil sa bagong tanong ni Ara.
"Sinong bias mo?" Hindi nya alam kung ano ang ibig sabihin ni Ara dun pero napagtanto nya na tinutukoy nito ay tao at kung sino ang pinakagusto base sa kung ano ang ibig sabihin ng bias.
"Uhmmm..." Napatingin sya sa mga kaibigan, hindi nya alam kung ano mga pangalan ng kung sinuman ang mga nasa EXO. Nagpipigil ng tawa ang dalawa dahil alam nila na nagkukunwari lang sya. "Lahat sila." Play safe nyang sagot.
Napahagikhik sina Alexa at Mark dahil sa sagot nya pero hindi nya na pinansin ang mga iyon dahil mas lalong lumaki ang ngiti ni Ara sa kanya.
"Oo, gusto ko rin silang lahat. Pero pinakagusto ko si Kai." At sinabi rin ni Ara kung bakit nya gusto si Kai. Ang ganda ganda ng ngiti nito at di mapigilan ni Theo na mapatulala. Nung tumigil ito sa pagsasalita ay bigla na lang napasagot si Theo ng "Oo nga, cool nga rin si Kai."
"Ano tingin mo sa upcoming comeback nila?" Panibagong tanong ni Ara sa kanya. Kinabahan na naman sya dahil wala nga syang alam tungkol dun pero mabuti na lang dumating na ang teacher nila, pinabalik na sila sa kanina nilang pwesto. "Uy sige, usap tayo ulit." Paalam sa kanya ni Ara. Tinanguhan nya lang ito at nginitian din.
"Nakakatawa ka," sabi sa kanya ni Alexa habang naglalakad papunta sa pila. Tumawa si Mark sa tabi nya. Hindi nya na nagawang magalit, nginitian nya na lang ang dalawa ng ngiting tagumpay kahit na pinagtatawanan lang naman sya. Pag-uwi nya, isesearch nya lahat tungkol sa EXO.
-------
Korean boy group pala ang EXO. Kaya naman pala hindi alam ni Theo dahil di naman sya nakikinig sa kpop. Mas gusto nya ang OPM (#SupportLocal), gusto nya rin ang ibang internationl rock band. Sinubukan nyang alamin ang lahat ng makakaya nya tungkol sa grupong EXO habang pinapakinggan ang mga kanta nila. Ang dami pala nilang kanta, hindi nya naiintindihan ang lyrics pero nakakaenjoy rin naman makinig. Ang diverse ng genre ng bawat album nila.
May 9 na miyembre ang EXO, dating 12 pero umalis ang tatlong chinese member. Meron itong dalawang sub-group, EXO-K at EXO-M, pero simula nung umalis yung tatlo parang naging isang grupo na lang ito tuwing maglalabas ng bagong album. Tiningnan rin ni Theo ang itsura at pangalan ng bawat miyembro nito, sinusubukang kabisaduhin na para bang may exam sya tungkol dito. Napag-alaman nyang napanuod na pala nya isang beses ang isa sa mga miyembro nito na si Do Kyungsoo; natatandaan nyang nakita nya sa mga article online ang tungkol sa galing umarte nung gumanap ito bilang Private Won sa pelikulang Along With The Gods: Two Worlds. Natatandaan nyang ngandahan at napabilib sya sa palabas na iyon.
Inalam rin ni Theo ang tungkol kay Kai dahil nasabi ni Ara na ito ang pinakagusto nya. Kim Jongin pala ang totoong pangalan. Gwapo ito at magaling sumayaw. Hindi nya maikakaila na kagusto-gusto rin talaga si Kai. Napabuntong hininga na lang si Theo. Kung katulad ni Kai na lalaki ang gusto ni Ara, baka wala talaga siyang pag-asa.
BINABASA MO ANG
F A N B O Y
Teen FictionMatagal ng gusto ni Theo si Ara. Ngunit sa katorpehan niya, hindi niya pa rin nakakausap kailanman ang babae. Isang araw, napagtrip-an siya ng kanyang mga kaibigan, sinabi nila kay Ara na gusto nya ang EXO, paboritong boy group nito. Sa ganda ng ngi...