Chapter 2

4 0 0
                                    

Nakaupo sa Cafeteria si Theo nang lapitan siya ni Ara. Bigla itong umupo sa tapat niya at ngumiti sa kanya. Nagulat si Theo ngunit ngumiti rin kay Ara. Eto na, oras na ng pagsubok, naisip niya.

"So, gusto mo rin EXO," panimula ni Ara. Nakangiti lang ito at wala sa tono na nang-aasar. "Wala akong masyadong kilalang fanboy. Nakakatuwa na kilala kita."

Nagulat na naman si Theo.

"Kilala mo ako?" Parang ewan niyang tanong. Hindi na pinansin ang sinabing fanboy siya ng EXO.

"Oo naman. Magkaklase kaya tayo. Di mo ba alam?"

Namula si Theo. Syempre alam niyang kaklase niya si Ara. Halos araw-araw niya nga itong titigan.

"Ah oo. Sorry. Akala ko di mo ako kilala." Mahinang sabi ni Theo.

Napakunot ng noo si Ara. "Bakit naman palagay mo di kita kilala?"

Umiling lang si Theo at ngumiti, ipinapahiwatig na wala naman.

"Anyway," ngiti at panimula muli ni Ara. "Gusto mo ang EXO. Bakit mo sila gusto? Curious lang."

Kinabahan siya ngunit di niya ipinahalata. Bakit nya ng ba gusto ang EXO? Kahapon niya nga lang nalaman ang tungkol dun. Sapat na ba mga nalaman niya para hindi siya mahalatang nagkukunwari?

"Uhmm..." Medyo nauutal niya pang sagot. "Gusto ko yung boses nung mga vocal nila. Maganda rin discography nila. Diverse. Nakakabilib din ang dance moves..."

Hindi niya na alam ano pang idadagdag. Totoo naman ang mga sinabi niya. Nabilib din talaga siya sa boses nila kahit na wala naman siyang maintindihan sa kanta.

"I know right!" Sobrang laki ng ngiti ni Ara sa kanya na para bang wala ng mas totoo pa sa sinabi niya. "Sobrang galing talaga ng EXO...."

At nagpatuloy pa nga si Ara sa pamumuri tungkol sa grupo. Sobrang liwanag ng itsura nito na walang magawa si Theo kundi ang mapatulala na lang. Bumibilis ang tibok ng puso niya habang nagsasalita sa tapat niya si Ara. Ang ganda ganda niya kapag nagsasalita tungkol sa gusto nito. Namula si Theo ng mapansing nakatingin na lang din sa kanya si Ara, nag-aantay ng sagot. Nahihiya siya dahil nahuli siya na nakatitig at baka akalain nitong hindi siya nakikinig dito.

"H..ha?" Nauutal at nalilito nyiang tanong.

"Sabi ko, anong paborito mo nilang kanta?" Pag-uulit na tanong ni Ara.

Ano nga ba ang paborito niyang kanta ng EXO? Kahapon pag-uwi niya, sinearch niya na agad ang kanta ng EXO. Ilang oras siyang nakinig sa lahat ng kanta nila. Sinimulan mula sa debut album nila na MAMA hanggang sa Winter Album nila nung December 2017. Ang dami nilang kanta at inabot siya ng mahigit apat na oras para lang mapakinggan lahat. Hindi niya pa sigurado kung yun na ba lahat talaga kanta ng EXO o may nakaligtaan pa siya.

"Sa ngayon, naka-on repeat Been Through sa spotify ko." Sagot ni Theo. Totoo rin naman ito. Sa lahat ng pinakinggan niya kahapon, ito yung nagustuhan niya kaya ilang beses niya rin pinatugtog. Parang kagaya rin sa ibang international RnB na kanta, gusto nya ang beat pati yung boses nung mga kumakanta (kahit na nga wala talaga siyang maintindihan dahil hindi niya naman sinearch ang lyrics. Sa dami ng kailangan niyang alamin, hindi kaya ang isang gabi.)

Tumango-tango si Ara, satisfied sa sagot niya. "Nung lumabas nga yung Universe Album, gustung-gusto ko rin yang Been Through, pero nung pinaulit-ulit ko na yung buong album, lahat gusto ko na. Ang ganda rin ng iba lalo na yung Stay. Kahit yung Fall, Good Night sobrang ganda rin talaga! Tapos yung Lights Out ng main vocals... Wow. Grabe ang ganda talaga ng boses nila, yung falsetto nila ugh!"

Hanggang ngayon nabibigla pa rin si Theo dahil ganito makipag-usap sa kanya si Ara, parang sobrang kumportable. Hindi siya nagrereklamo, pero naninibago lang siya dahil hindi niya naman ito nakakausap at madalas ay ngiti lang ang nasisilayan.

Sobrang laki pa rin ng ngiti ni Ara na parang sobrang excited at tuwang tuwa. Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Theo at pati siya natutuwa na rin kahit na hindi naman talaga sya totoong fan. Kung ganito lagi si Ara sa kanya sa tuwing makikipag-usap, aalamin niya ang lahat tungkol sa EXO para lang hindi ito tumigil. Ang saya niya.

Tapos na ang break time at sabay na silang naglakad papunta sa classroom. Nag-uusap pa rin sila tungkol sa EXO. Madalas ay tumatango lang si Theo dahil tuloy-tuloy sa pagfafangirl si Ara. Mabuti na nga lang at hindi nya na kailangan masyado magsalita dahil wala rin sya masyadong masasabi. Hindi naman nahahalata ni Ara dahil nga parang ang dami nitong gusto ishare sa kanya. Ok lang naman kay Theo. Masaya na nga siya kapag nakangiti si Ara kahit hindi sa kanya nakapukol, ano pa kaya na nakangiti sa kanya at kinakausap (more like kinukwentuhan) pa siya... Wala, sobrang saya niya na sa oras na iyon.

"May twitter ka ba?" Tanong sa kanya ni Ara. "Mas masaya maging fan kapag nakikipag-interact online sa iba ring fan."

May twitter si Theo, pero never pa syang nakapagpost dun tungkol sa EXO at personal twitter account niya yun a.k.a. online diary kung gaano siya katorpe. Umiling na lang siya kay Ara dahil kapag binigay niya ang username niya ay bigla siyang i-follow at mabasa mga tweets niya. Malaman pa ni Ara kung ano pinaggagawa-gawa niya ngayon ay pagkukunwari lang para mapalapit sa babae.

"Bakit?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Ara sa kanya. Totoo naman, meron pa bang millenial ang walang twitter ngayon? "Gawa ka ng fan account. Tapos follow mo ko, ifofollow back kita. Para sabay tayo magfangirl fanboy!"

Napangiwi si Theo. Ano raw? fan account? Nakakakita na siya ng mga fan account sa twitter. Alam niyang stan twitter tawag sa mga fan accounts at ayaw niyang makisalamuha dun dahil palagay niya ay toxic ang mga user na yun. Ngunit ng tiningnan siya ni Ara na parang nag-eexpect, tumango na lang siya at sinabing gagawa siya ng twitter account pag-uwi niya. Binigay ni Ara ang username niya at pumasok na sila sa classroom. Nginitian siya ni Ara at nagpaalam. Pumunta na sila sa kani-kanilang pwesto.

"Aba... Dumadamoves na si kuya mo!" Pang-aasar ni Alexa nang makarating siya sa kanyang upuan. Ngumiti at umiling lang si Theo. Naisip kung ano ang nangyari simula kahapon hanggang kanina. Kasalanan 'to ni Alexa pero hindi niya ito sisisihin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

F A N B O YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon