Prologue

14 0 0
                                    

"Ang tigas talaga ng ulo mo Shaira!Ilang beses ko bang sasabihin sayo na anghel ka!Hindi ka tao!Dito ka sa langit nakatira hindi doon.Ang tanging kailangan mo na gawin doon ay protektahan ang mga tao sa mga kasamaan!Pero anong ginawa mo?!Aba!Nag tour ka!"

Tss,nagagalit nanaman si lider!Kasalanan ko ba na gusto kong maging tao!Gusto kong maranasan iyong mga ginagawa nila!

Nakayuko lang ako habang sinesermunan niya ako.

"Tss,ngumunguso ka pa diyan!Pero gusto mo maging tao,diba?"

Agad na naging alert ang tainga ko.Oh my,gagawin na ba Niya akong tao?

"Opo!" ngiting-ngiti kong sagot na parang ulol at ngsha-shine ang mata ko!Lalo na ng ngumiti si lider!

"In your dreams!"sigaw niya sakin at agad bumalik ang mukha sa pagkakasimangot.

Siya kasi ang pinapagalitan Niya kapag may nasusuway kami.Okay lang,hindi naman ako eh.

Hayyyy..

Wala na akong ibang nagawa kundi ang pumunta sa lugar na pinupuntahan ko kapag wala akong nagawa.

Hay, I feel depressed.Char! Hahaha!

Minsan ko iyang narinig sa taong niligtas ko nung nag-iinarte  sila dahil sa sobrang lungkot.Kaya naki gaya ako.

Goshhhh! Gusto ko talagang maging tao!

Ang dami kong natutunan mula sa kanila lalo na sa mga Pilipinong tao.Ewan ko,sa lahat ata ng mga tao sila ang pinakamasiyahin.
Ilang beses na kasi akong nagpunta sa Amerika,China,Korea at kung anu-ano pang bansa kaso ang wa-wild nila.Parang nagsasayang lang sila ng pera tapos kung maka inarte dahil lang sa maliit na bagay! Hindi naman sa nilalahat ko, no.

Ang dami ring salita tulad ng char,ganern,gosh,at kung ano pa.

Nandito ako sa ilog.Oo literal  na may ilog dito sa langit.Pero iba ito.Napapaligiran ito ng ulap at makikita mo ang mga tao na gumagawa ng masama,o nangangailangan ng tulong.Ang layunin naming mga anghel ay ang iligtas sila sa kapahamakan.

Nakamasid ako sa mga taong nakikita ko sa ilog ng marinig ko ang kampana. Ibig sabihin ay tinatawag Niya ako.

Siya na walang ibang ginawa kundi ang kabutihan para sa mga tao.Kahit na may mga tao na hindi naniniwala na totoo Siya.

Wala siyang itsura.Puti lamang ang makikita.Pero maririnig mo ang kanyang boses.

"Shaira, rinig ko na nais mong maging tao." sabi Niya at nanlaki ag mata ko.

Ang totoo niyan ay nahihiya ako sa Kaniya.Kasi ginawa niya akong anghel at hindi tao.Pero hindi ako makuntento sa kung ano man ako ngayon.

"Ayos lang iyon,Shaira.Pero kung iyan talaga ang iyong gusto ay kausapin mo ang iyong lider."

"B-bakit po?"

"Kausapin mo nalang siya."kalmadong sabi Niya.

"Dios ko,patawad po kung hindi man ako makuntento.Opo nais ko pong maging tao ngunit tanggap ko na naman na anghel ako.Sadyang gusto ko lamang na mangarap."

"Naiintindihan ko Shaira.Pumunta ka nalang sa iyong lider."

At gaya nga ng sabi Niya, nagtungo ako papunta kay lider.

"Lider, puntahan ko daw po kayo."

"Nais mong maging tao,hindi ba?"nakangiti niyang sabi

"Opo,pero–"

"Isang tanong,isang sagot Shaira.At kung iyan nga ang iyong gusto ay pinapayagan ka Namin.Sa isang kundisyon–

Kailangan mong bantayan si Timothy John Allejo sa mahabang panahon.Manganganib ang kaniyang buhay at kailangan nasa tabi ka lamang niya sa panahong iyon."

"Iyon lang po ba?" tanong ko at ngumiti siya

"Hindi.Marami kang bagay na dapat gawin.At ang hiling mo ay may kapalit.Kailangan mong mag-ingat.Basahin mo iyan." sabi niya at binigay sakin ang isang sobre at tinanggap ko

"Nais mo na bang maging tao ngayon?" nakangiting tanong niya

"Po?!As in,ngayon na?!Weh?Tataa?"masaya kong tanong at tumango siya

"Opo!" sagot ko at bigla siyang pumitik

Pumitik siya at sa gulat ko ay napasigaw ako.Nahuhulog ako ngayon papuntang lupa! Literal na nahuhulog mula sa langit!Halaaaa! Magiging tao ako edi pagbagsak ko patay na akoooo?!

At tuluyan na nga akong bumagsak...

______
Hi!Another story of mine  hahahaha.So ayun,,hope that may mga magsu-support parin sakin diyan at kahit hindi,okay lang.Lab na lab ko kayo.Gusto ko sana na mapasaya ko sayo sa aking panibagong kakornihan. ;3

An Angel's KissWhere stories live. Discover now