Date: _6 / 16 / 19_
Dear Diary,
Parang kailan lang noong sinabi kong excited na ako para sa high school. Pero ngayon, pinagsisisihan ko na ang sinabi ko. Kahit second week pa lang pakiramdam ko isang buong school year na ang lumipas dahil sa dami ng assignments at quizzes namin. Ayoko na talaga, Diary!
Hindi rin masyadong exciting ang first day of school namin kumpara sa ineexpect ko. Paano ba naman kasi, hindi na pala dito mag-aaral ang isa sa mga best friends kong si Ayumi. Wala man lang siyang sinabi sa 'min na lilipat na pala siya ng school! Yari talaga sa 'kin ang babaeng 'yon sakaling magkita ulit kami!
Siksikan kami sa loob ng classroom dahil marami kaming mga bagong kaklase. Buti na lang de-aircon kami kaya hindi gaanong mainit.
Bukod doon, walang masyadong ganap sa klase namin kundi puro activities. O siya, kailangan ko pang maghanda para sa recitation namin bukas. Bye!
- Midge