Chapter 22

4.6K 86 8
                                    

[ Catriona's POV ]

Bago ako tuluyang umalis pababa ng rooftop ay muli kong pinagmasdan ang lugar kung saan naglaho si Asmodeus

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bago ako tuluyang umalis pababa ng rooftop ay muli kong pinagmasdan ang lugar kung saan naglaho si Asmodeus. Sana hindi na lang siya nagpaalam na aalis. Gusto ko siyang bumalik dito sa tabi ko. Gusto ko siya muling yakapin.

Batid ko na may pangamba siya dahil nakita ko iyon sa mga mata niya. Kung ano man ang mga iyon at kung bakit biglaan ang kanyang pamamaalam ay malalaman ko lang sa pagbalik niya.

Sa ngayon, wala akong ibang magagawa kundi mag-hintay na makabalik siya. Alam kong babalik siya rito. Nararamdaman ko iyon.

Napakabilis naman kasi ng pangyayari. Kung kailan mas napalapit na ang loob ko kay Asmodeus ay saka naman naganap ang mga ito.

Malaki ang pagsisisi ko na nakaligtaan kong banggitin sa kanya ang mga nalaman ko kanina dahil kahit baliktarin ko pa ang mundo, maliwanag na maliwanag pa sa sikat ng buwan ang mga narinig ko sa cafeteria.

Ngunit paano nangyari na si Marcus, na halos mag-iisang taon ko ng kakilala ay si Mammon pala? Bakit kailangang magpanggap ni Mammon, Ang Prinsipe ng Kasakiman?

Lahat ng mga nangyari noon sa amin ni Marcus mula noong una kaming nagkakilala.

Sa twing nagkakasama kami at ang ilan pang alaala ay nag-iiwan sa akin ng isang malaking palaisipan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa twing nagkakasama kami at ang ilan pang alaala ay nag-iiwan sa akin ng isang malaking palaisipan. Akala ko si Marcus ay isang totoong kaibigan tulad ni Jenny. Hindi pala.

"Siguraduhin mo lang, Mammon. Dahil nangangati ako sa pananatili ko rito sa mundo ng mga mortal!" Muling umalingawngaw sa aking isipan ang mga katagang iyon ni Jenny.

Mortal.

Sa paraan ng pananalita ni Jenny ay panigurado akong isa rin siyang demon dahil maski si Asmodeus ay iyon ang tawag sa katulad ko na tao. Heck! Tinawag nga siyang Lilith ni Marcus e.

Biglang may tila bumbilyang nagliwanag ng mapagdugtong-dugtong ko ang ilan sa mga pangyayari noon. Tulad na lang ng kaya pala mahilig magbasa ng mga libro tungkol sa mga demons si Jenny dahil isa rin siyang demon. Is she fascinated that us humans wrote a book about them?

Prince of Lust: The Seven Deadly SinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon