SIMULA PA NUNG UNA

23 3 0
                                    

"Simula pa nung una hindi na, maintindihan nararamdaman naging magkaibigan ngunit di umabot nang magka-ibigan tanggap ko yun noon kampante na ganon na lang sapat na nakasama kita, kahit hanggang dun na lang di na rin ako lalapit di na rin titingin para hindi na rin mahulog pa sayo'ng mga mata, siguro nga napamahal na'ko sayo, oo. Di naman inaasahan di naman sinasadya pero alam ko rin namang hanggang dito na lang, lilimutin ang damdamin isisigaw na lang sa hangin,Mahal kita" Pagkatigil ko sa pagkanta at pagtugtog nang gitara, kasabay nito ang dahan-dahang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Sobra akong nasasaktan dahil ang nag-iisang lalaking mahal na mahal ko, ay kaibigan ko. At sobrang napaka-kumplekado, gusto ko ma'ng umamin sa kanya ngunit napanghihinaan ako nang loob dahil ayaw ko'ng masira ang pagkakaibigan namin kaya naman mas pinili ko'ng kimkimin ang aking pagtingin para sa kanya, kahit na palihim na akong nasasaktan nang sobra "Mahal na mahal kita, Rocel Ceres" mahina ko'ng pagkakabigkas at sabay punas nang aking luha at mabilis akong tumayo sa aking kina-uupuan at papunta na sa pintuan ngunit agad ako'ng napako sa aking kinatatayuan nang makilala ko kung sino ang nasa pintuan nito'ng Music Room- si Rocel "Hey! Rocel, nandyan ka pala?"
Kahit na kinakabahan, pinilit ko pa ri'ng ngumiti at pilit na itinatago ang kaba sa aking mukha, "K-kanina ka pa ba?"
Utal ko'ng tanong, hindi sya sumagot sa halip ay ngumiti lamang sya at lumapit sa akin "Narinig ko lahat" sabi nya na syang ikinawala nang ngiti sa aking mukha at napalitan ito nang kaba, "Ahm, kung ano man yung narinig mo, hindi yun totoo" sabi ko at sabay hinga ng malalim "Wag mo nang itago, bakit hindi mo sinabi agad kung ano man ang nararamdaman mo para sa akin? Sabrina, after all this time. Mahal din kita at matagal na Simula pa nung una, natatakot lang ako'ng umamin dahil ayaw ko'ng masira ang ating pagkakaibigan dahil pag nalaman mo, baka iwasan mo na ako pero, parehas naman pala tayo nang nararamdaman" sabi nya habang naka-ngiti at agad nya akong hinigit sa aking bewang at sabay halik sa aking noo "Sa tingin ko, pwede na kitang maging girlfriend? Sabrina Montefalcon?" Dugtong nya pa at biglang gumuhit sa kanyang mapulang labi ang isang ngisi, hindi ko inaasahan na pareho na pala naming mahal ang isa't-isa ngunit, parehas din kaming naglihim pero atlis ngayon alam na namin ang nararamdaman nang isa't-isa hindi man ako makapaniwala, hindi rin mawawala sa aking sarili ang saya at kilig na nararamdaman, kaya naman agad na gumuhit sa aking labi ang isang napaka tamis na ngiti at sabay sabing "Yes" huminga nang malalim si Rocel at buong lakas akong binuhat habang kita'ng-kita ko ang saya sa maamo nyang mukha
"I love you, Sabrina" nakangiting sabi nya "I love you too, Rocel" tugon ko, at nakangiti kaming nakatingin sa mga mata nang isa't-isa...

~Wakas~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LEANI'S SHORT STORIES COLLECTIONWhere stories live. Discover now