Mabilis kong dinala sa clinic si Leirha dahil sa mga nakuha nitong sugat.
Tangina, ganun naba Talaga kagalit si Zy
Alam kong maldita sya at kakaiba kung magalit pero di ko inexpect na ganito kalala ang gagawin nya kay Leirha.
Kahit minsan kasi ay di nya ito kinanti manlang.
Alam kong maaari nyang saktan ngayon si Leirha dahil sa sobrang galit pero akala ko ay hindi magiging ganito kalala.
Miski ako ay di ko sya makilala.
Parang apoy ang kanyang mga mata sa sobrang galit.
Pagkatapos gamutin si Leirha ay nakatulog din ito agad.
Napagpasyahan ko na puntahan si Zy sa kanila.
Habang nagdadrive ako ay mas lalo lang akong naiinis sa kanya
Di ko matanggap na pati si Leirha ay sasaktan nya
Pagdating ko sa tapat ng bahay nya ay bumaba kaagad ako pagkatapos ay mag doorbell dito
Ang mga katulong ang nagbukas ng pinto
"Si Zy po?" Magalang Na tanong ko dito
"Nasa taas Po sir nagpapahinga " sagot naman nito
Nagpunta ako sa tapat ng kwarto nya pagkatapos ay binuksan ang pintuan nito gamit ang susi Na binigay ng Isang katulong kanina.
Nakita ko syang nakatayo sa tapat ng lalagyanan nya ng collection ng sapatos at inaayos ang mga bagong biling sapatos nito
"Manang sabi ko naman sayo di ako nagugutom!" Sabi nya at marahil ay di pa nya ako nakikita.
"Zy.." yan Lang ang sinabi ko pero napatigil sya sa ginagawa nya
"Wala ako sa mood para sa sermon mo kaya lumayas kana dito" malamig na sabi nito sakin
"Di mo dapat ginawa Kay Leirha iyon " iritadong sabi ko
"At Bakit naman hindi? Sino kaba para sundin ko? " ngayon ay nakaharap Na sya sa akin at napaka lamig ng ekspresyon ng muka nito
"Alam mong magagalit ako sayo pag ginawa mo iyon. Sabi ko sayo galawin mo Na ang lahat wag Lang si Leirha" pinipigil ko nalang Talaga na wag syang sigawan
"Inuulit ko, Sino kaba para sundin ko?" Ang pahayag nyang ito ang nakapagpatigil sakin
"Kaibigan moko" simpleng sagot ko
"Ganyan pala ang kaibigan? Kung gayon ay Pasensya Na. Ayokong maging kaibigan ang Isang tangang katulad mo" pagkatapos ay tinuloy Na nya ang kanyang ginagawa
"Bakit ba galit Na galit ka?! Wala naman syang ginagawa sayo. Kung tungkol ito sa kahapon then sorry" napalakas Na ang pagsasalita ko
Mabuti nalang At sound proof ang kwarto nito.
"Alam ko Kung Ano ung kinakagalit ko? Un ung mas inuna ng kaibigan kong masaktan ang sarili nya kesa ang taong mahal nya. Ung di manlang nya dininig ang punto ko at sinumbatan ako agad. At higit sa lahat ay ang di malaman ng mismong KAIGAN KO SA LOOB NG 4 NA TAON na di ako marunong manakit kung Wala naman ginagawang ikakagalit ko. Di ko magawang saktan si Leirha dahil magagalit ka. Kung ordinaryong tao Lang sya At natapakan ako ay paniguradong bugbog sarado Na sya pero dahil nga mahalaga sya sayo ay nagtimpi ako. NAHIHIRAPAN NAKONG MAGPALIWAGAN KAYA SIGE NA HUSGAHAN MO NALANG AKO" tumalikod na sya ulit pero di nakaligtas sa mga mata ko ang pagtulong muli ng mga luha nya
Muli syang nagsalita......
"Umalis kana. Kung manghihingi ka man ng tawag ngayon Pasensya Na dahil mas lalo mo Lang pinainit ang ulo ko. Wag kang magalala di naman ako aalis sa tabi mo. Magpapahinga Lang ako" pagtataboy nya sakin.
Wala nakong ibang nagawa kundi ang umalis nalang...
Pinuntahan ko muna ulit si Leirha pagkatapos ay umuwi Na.
Nakatulog din ako agad dahil sa pagod
Di kinakaya ng utak ko ang mga nangyayari.
Galit Na galit sakin si Zy at the same time nasa hospital naman si Leirha.
Tangina.......
A/N:[hehe matagal nato naka draft kasi usapan natin Every week 2 updates Lang kaso sumusobra ako HAHAHA]
Your votes and comments are highly appreciated
YOU ARE READING
I'm the girl beside him
RomanceAko. Ung laging naka suporta sa kanya Di sya iniwan sa ere Nagmahal ng palihim At nasaktan din ng palihim Ang unfair ni tadhana Ung taong mahal ko kailan kaya matatapos ang pagiging Isang tanga babaeng di naman nakikita ung halaga nya Kailan k...