I

33 1 0
                                    

S H A N T E L L

"May gumagala pa rin daw na spirit dito. Yikes!"

"Gosh, first day pa lang natatakot na ako."

"Sana 'di nalang ako sumama."

Mga linyang tanging nagpapairita sa akin ngayon. Galing pala sa mga matatakutin kong mga kaklase. Haysss, kailan pa kayo magiging matapang? Mas mabuti pa nga 'yung mga espirito, nagpaparamdam lang. Hindi ka ninanakawan or ano. Tapos, natatakot pa kayo sa kanila?? God.

Nasa Belle Vie Campsite kami ngayon para sa aming one-week camping. Sinasabi nila na haunted place daw ito. Honestly, natatakot din ako konti pero hindi naman siguro masyadong nakakatakot ang place na 'to. Since 1960s to 70s pa daw 'to. Not sure sa information. And I think na ang isang linggong 'to ay hinding-hindi ko makakalimutan sa High School Life.

Nasa main station kami ngayon dahil mag-wewelcome address daw 'yung may-ari. More like anak siguro ng may-ari.

After some minutes, dumating na siya. Wait. He looks so familiar. 'Di ba-

"'Di ba dad mo 'yan, Luke?" Sabi ni Kyle, classmate namin. Magkakatabi lang kami kaya dinig na dinig ko.

"Oo." Pasimpleng sagot ni Luke.

"Ba't di mo sinabi sa amin? May pa humble humble ka pang nalalaman diyan, ah." Pabirong sabi ni Kyle.

"Hahaha kasi 'di naman talaga si dad 'yung original na may-ari nito eh. Si lolo ko. Cousin ng dad niya."

"Ahhh. Siguro ikaw 'yung susunod na magmamana dito." Ika ni Kyle. Ngumiti lang si Luke.

Sabi ko na nga ba eh. Anak ng may-ari 'yung dadating.

Nagsimula nang magsalita si Mr. Ramos. Habang nakikinig sa kanya, tinitingnan ko ang mga classmates ko. As usual, may kinakabahan dahil sa takot, may excited rin gaya ko. Suddenly, tumingin sa akin si Luke kaya ako nagulat pero madali lang din niya akong iniwasan. What's with him?

Natapos nang mag-address si Mr. Ramos at sinabihan na kami na ihanda na ang mga tent. Provided na ang tents and kasama na din ang bayad do'n sa total fee. Habang inaayos namin ang kanya-kanyang tents, may mga kaklase kaming hindi talaga marunong mag-ayos kaya tinulungan nalang sila ng iba na natapos na. 10 o'clock na sa umaga at ramdam na namin ang init ng araw.

Tall trees, fresh air, lake, ito ang view na aking nakikita ngayon. Nasa harap naming lahat ang view na ito except nalang ng mga punuan na pinalilibutan kami. Matagal-tagal ko na rin itong hinihintay. Ang mapalapit ulit sa nature. Alam naman nating hindi na pure nature ang nakikita natin araw-araw.

"Hoy, Shan." Nagulat ako sa bumati sa akin. Si Kizea, best friend ko. Umalis kasi siya kanina kaya ngayon ko lang nalaman na kanina pa ako nakatitig sa view.

"O, ano?" tanong ko sa kanya.

"Gusto mong pumunta sa lake cabin?" tanong niya sa akin. "Ang ganda daw roon sabi nila." dagdag niya. Lake cabin? Sounds interesting. "Sige, game."

Pagdating namin doon, nagulat nalang ako nang nakita ko 'yung iba kong mga kaklaseng lalaki na naliligo na. May mga babae rin na tinatawanan lang ang mga boys.

"Oy, Corpuz. Gusto mong maligo na? Anlamig dito!" Bati ni Dan sa akin.

"No, thanks. Hindi ko pa trip. Pero, allowed na bang maligo??"

"Obviously, yes. Naligo na nga kami." sagot niya. Sabagay.

Sumapit na ang gabi at ramdam ko na ang takot ng iba. Ang activity namin ngayon ay gagawa ng malaking bonfire.

For HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon