II

21 1 0
                                    

Second day. Paggising ko, nagtaka ako ba't nakapasok ako sa loob ng tent. Sino ba naman ang makakabuhat sa akin?

Tinanong ko si Kizea and she said it was Luke who brought me inside. May makakapagbuhat din pala sa akin. Wow.

Pagkatapos kong maghilamos ay nakita ko si Luke. Nag-signal ako sa kanya ng 'thank you' kasi nakakahiya 'yung nangyari. If may makakarinig no'n, siguradong tutuksuin ako. Hindi sa nag-aassume a, pero 'yan naman talaga 'yung mga classmates ko e.

Fishing at ligo sa lake was the thing on the second day. Binigyan din nga kami ng free snacks ng daddy ni Luke.

Team building it was on the third day. Ginanap 'yon sa court.

On the fourth day, nag-hill climbing kami sa camp hill. Marami 'yung obvious na napagod na kahit nasa gitna pa. Ayun, bagsak na simula pa 8pm.

And rest day na namin the fifth day. 'Yung iba halos buong araw natutulog. Bumabangon nalang kapag kakain na. May nag-eenjoy naman 'ding mag-fishing at maligo sa lake. And may nagpipictorial 'din sa gilid-gilid.

Dumating na ang sixth day. Nagkaroon nanaman kami ng bonfire event with an open forum.

"Gusto ko na ulit pumunta sa camp hill." sabi ni Angelo, a sporty classmate of ours, habang kumukuha ng mga kahoy.

"E, kung gusto mo, pwede ka namang bumalik dito." sagot ni Luke.

"Sure. Isasama ko pa nga family ko hehe."

Nagstart na 'yung activity. May dala kaming mga papel for guide para sa aming mga sasabihin. May nakapag-realize sa point of view ng iba- how they are living their lives. May naiiyak naman dahil sa life stories. May natatawa at nagulat naman 'din sa confessions.

And never would I ever think na may magsasabi sa pangalan ko.

"Si Shan. Shantell Corpuz. Crush ko 'yan." ika ni Luke. Gulat na gulat ako sa sinabi niya. Ako? Crush niya? Sa'n standards ko beh? Layo nating dalawa.

"H-Ha?" pilit kong sinabi.

"HAHA oo nga. 'Di ba obvious?" sagot naman niya.

"Ayieeee!" pang-aasar ng lahat.

"Lovelife na this!" asar naman ni Kyle. Pero napatigil naman 'to nang muntik ko na siyang tinapunan ng tsinelas.

"Since grade 7 pa ata, e." dagdag ni Luke.

"Luh! Ang manhid mo pala, Shantell." sabi na naman ni Kyle.

"Tumahimik ka nga!" inis kong sabi sa kanya.

"Thank you, Luke. Pero-" sabi ko sa kanya pero napatigil ako nang naramdaman ko namang natatae ako.

"Anyare??" tanong ni Kizea sa akin.

"Masakit tiyan ko." sagot ko sa kanya.

"Hala! May butterflies sa stomach ni Shan-shan! Ayiiieeee~" pasimunong asar ni Angelo.

Iniwan ko na sila agad at pumunta sa CR. After sone minutes, natapos din ako. Paglabas ko nanaman 'yung lalaking naka-polo.

"Goo evening po. Naalala niyo pa po ba ako? Sa'n po kayo nagpunta last time?"

Napatingin siya sa direksyon ko at ngumiti. "Hinay-hinay lang, hija. Mahina ang kalaban."

"Ay hehe sorry po."

Natahimik ang lugar at naalala kong andami ko palang gustong itanong sa kanya.

"Ay, kuya. Ano po ba pangalan niyo?"

"Frank. Frank Ramos."

Nagulat ako sa sinabi niya. Ramos? 'Di ba't Ramos 'din si Luke? Curious talaga ako sa nangyayari, e. But, I let the slide at the moment.

For HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon