Isa lamang kasinungalingan
'Tayo', sa ibang salita ay 'katha' ay
Walang duda
Salungat ang ating nararamdaman sa isa't-isa
Di naman
Ako ang nasa puso mo diba?
Ang pagpigil ng nararamdaman ko,
Akin ng sisimulan
Isang kahibangan kung
May pagasa pang maging tayo
Ikaw at ako? Oo.
Malayo sa reyalidad.
Ang pangarap ko na di
Na magkakatotoo pa dahil ito
Ay talagang walang patutunguhan
Di naniniwalang ito
Ay pwede pa
Sapagkat 'tayo'
Ay isa lamang katha
'Ito na ang huli'
Wala ng pag-asa
Di ako naniniwalang
Posible pa
Ang salitang ikaw at ako'y
Magsama.
Sa katotohan na
Ito, ako'y gigising na.
Sa aking istoryang pinamagatang 'katha'
Ang salitang 'tayo'
Ay mananatili
Sa mga pahinang ito.
Malilimot sa paglipas ng panahon
Hindi
Bibigyang-halaga sapagkat
Wala itong kwentang istorya na
Ako lang ang may gawa