Chapter 7 Accident

41 3 6
  • Dedicated kay Jhency Nicole
                                    

Chapter 7

Puti.

Puro puti ang nakikita ko sa pagmulat ng mga mata ko.

Nahihilo ako, yun ang nararamdaman ko sa ngayon.

Masakit ang katawan at parang may kumikirot.

Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto na halos kulay puti lahat ng bagay.

Nasa kama ako at may nakaturok saking isang bagay.

Mahapdi.

Gusto kong tumayo pero hindi ko magawa, masyadong mahina ang katawan ko sa ngayon.

Pilit kong inaalala kung anong nangyari ng biglang bumukas ang pinto.

“Oh my! Gising ka na Kimmy!” Shane

“Waaaahh. Gising na si Ate Kim!” sabay takbo at yakap sakin ni Maej.

Ok? Ano bang nangyari? Bakit ganyan sila maka react?

“Girls what happened? Bakit nandito ako? Nasan sina Crazy at Era?” naguguluhang tanong ko sakanila.

Gusto kong malaman kung anong nangyari.

“Wala ka talagang maalala Ate Kim?” Maej

“Yung dalawa namili lang ng pagkain, babalik din yun  kaagad” Shane

“Oo. Gusto kong malaman kung ano ba talagang  nangyari? Diba nasa Tagaytay tayo?” tanong ko sakanila.

“Hala. Nagka amnesia ka Ate Kim? Te..teka.. ta..tawag ako ng doctor!” natatarantang sabi ni Maej.

“Ha? Amnesia? Eh bakit ko kayo naaalala? Bakit kilala ko kayo kung may amnesia ako?Masakit lang ang katawan ko” Ako

“Ay! Oo nga noh? Kilala mo kami, akala ko kung ano na eh.hehehe” ^__^v

“Kapapanuod at kababasa mo ng kung anu-ano, yan kagad ang naiisip mong bata ka”Shane

“Ate Shane hindi na ko bata, meron na nga akong nagugustuhan diba?” ^o^

Biglang bumukas ang pinto..

Nakabalik na pala yung dalawa.

“Ano yung narinig ko? Sino yang sinasabi mo? Yung dancer sa school? Bata ka pa Dora mag-aral ka muna” Crazy ^_-

“ Sows! Inggit ka lang! Wala ka kasing nagugustuhan! Boyish ka kasi!” Maej

“Oi kayong dalawa nagtatalo na naman kayo, kumain na lang tayo”Era

“Hindi yan boyish, may crush yan! Yung lalaking hinahanap nya sa school. Yung kinuwento nyang naggawa ng gitara nya” Shane. ^o^

“Di ko yun crush” Crazy -__-

 “Girls..ang ingay nyo, gusto ko munang magpahinga” sabi ko sakanila.

Naramdaman ko kasing sumasakit na naman ang ulo ko. Ano ba tong nangyayari sakin?

Pilit kong iniisip kung anong nangyari. Wala talaga akong maalala.

Natapos na kaming kumain at pinapatulog na nila ako para makapagpahinga daw ako ng madami dahil malapit ng matapos ang sembreak.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

*****

Nagising ako sa isang madilim na bodega na ang tanging liwanag lang ay ang mga ilaw na nanggagaling sa mga butas na dingding nito.

"Hidden Identity-A Secret Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon