Chapter 3 The Past

109 4 3
  • Dedicated kay France Maristel Buan
                                    

Chapter 3

“Miss? Ok ka lang?’’ sabi ng lalaking nakabunggo ko.

Pagtingin ko.. Oh My! Bakit sya nandito?!

“ Se-Se- Sean?!” sabi ko ng nanginginig at gulat na gulat.

“Kimberly, ikaw pala yan. How are you?!” nakangiti nyang tanong sakin.

“ I-i-im fine”, nakayuko kong sabi.. ><

Bakit ganito? Ano ba ang dapat kong maramdaman? Ang sabi ko sa sarili ko dati, kapag nagkita kami ulit ng lalaking nasa harap ko ngayon ay bubuhusan ko sila ng asido kasama ang babaeng yon! Ipapalapa sa aso at gagawin ang lahat para makaganti sa mga ginawa nila sa akin.

Pero bakit parang nawala na ang galit ko sa kanya at nakalimutan ang lahat ng ginawa nila?

“Kimberly”, bigla nyang sabi kaya napatingin ako sakanya.

Pinagmasdan ko ang mukha nya, ganun pa rin sya, walang pagbabago pero mas gwapo at matured ang itsura nya ngayon.

Nakatitig sya sakin at mukhang may sasabihin.

“Look, I just want to say---“

“Kimmy!!”, biglang may sumigaw sa pangalan ko at nakita ko na sina Shane papalapit samin. Thank God dumating sila! Hindi ko alam ang gagawin ko sa lalaking kaharap ko ngayon.

“ Ate Kim! Andito ka lang pala. Hoooo. Kapagod ah..kanina ka pa namin hinahanap, malapit ng mag time, pupunta pa tayo sa classroom.” sabi ni Maej

Hawak naman ni Era ang kamay ko at hinatak na para makaalis. Tinignan nila si Sean at mukhang mga gulat sabay irap sakanya ng mga kaibigan ko..

“Anung ginagawa mo dito?!”, tanong ni Crazy ng nakataas ang isang kilay ^_-

Napatingin sakin si Sean

“Ok. I think I need to go. I’ll talk to you next time”, sabi niya sabay alis.

“ God! Bakit sya nandito?! Pagkatapos ng lahat! Ganun ganun ka nya na lang kausapin na parang walang nangyari?! How rude!”,-  Shane

“ Ouch! Sakit sa tenga.wag ka naman sumigaw ate Shane!” sabi ni Crazy ng nakatakip ang mga kamay sa tenga nya.

“ Hey, look! Malapit ng magtime. We need to go” yaya ni Era habang  bitbit ang books nya.

“ Ok. Let’s go!” sabi ko habang nauunang maglakad.

Huminto ako.

“Wait san nga ba yung room 405?”, tanong ko sakanila..

“Kimidora bulag ka ba?!ayan oh. Tutuklawin ka na!”sabay turo ni Crazy sa katapat naming room.

“Ahh hehe, sabi ko nga ito na yung room”, sabay kamot sa ulo.

*****

 “Ok class, since first day of school at hindi nyo pa kilala ang isa’t isa, please introduce yourself here in front of the class,” sabi ng professor naming mukhang terror sa Accounting.

Kaya ayoko ng first day eh, all subjects magpapakilala ka. >.<

“ Ok, let’s start with you Miss Alcantara” sabay tingin sa classmate ko na katabi ko sa right side.

Tumayo sya at nagpakilala.

“I’m Monicarla Alcantara, just call me Monic and I wanna be friends with you classmates,!” sabay ngiti.

&quot;Hidden Identity-A Secret Love&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon