entry#11-invisible by taylor swift

17 0 2
                                    

Entry11-INVISIBLE by taylor swift.

Requested by:karen joy Tabigue

hope you like it gurl! :D

*play the music while reading*

"oh! Dito pre! Ikaw na sumipa!"sabi niya habang pinapasa ang bola sa kasamahan niya.

Ferolim Balderama.

Hanggang tingin nalang siguro ako sayo.

Haay..Sa gwapo mong 'yan?Mapapansin mo kaya ang isang katulad ko?

Imposible.

Inayos 'ko ang pagkakaupo ko sa isa sa mga bleacher.

Hindi 'ko alam..Pero,napapangiti talaga ako kapag nakikita sya.

Nagmumukha na nga akong sira ulo dito,nangingiti mag-isa.

Masasabi ko talagang..Gusto ko siya,gustong-gusto.

Nagsimula ito ng minsan pagtripan ako ng ibang schoolmate namin.

Napagtripan akong itulak sa putikan.

Umiinit talaga ang dugo 'ko kapag naalala 'ko ang mga walang hiyang lalaking 'yun.

Buti na lang nandoon siya at tinulungan akong tumayo at dalhin sa clinic para magpalit.

Naalala ko pa 'yung sinabi nya noon.

"wala ba kayong mga magawa sa buhay niyo! Pati inosenteng babae,pinagttripan niyo!"

natulala ako sa kanya dahil dun.

Ang bilis ng tibok nung puso 'ko nun..

Humanga ako sa kanya dahil dun.

Sa pangalawang pagkakataon nagkita ulit kami.inalalayan niya ako ng minsan sumakay ako sa bus na punong-puno dahil sa dami ng pasahero.

Sobrang saya ko 'nun dahil nagkita ulit kami!

Dahil dun,lagi ko na syang tinitignan sa malayo.

Tumingin ako sa wristwatch ko.

Alas-singko na pala.

1 oras na pala ako nakatingin sa kaniya.

Tumayo na ako at magsisimula na sanang lumakad nang biglang may tumawag sa pangalan 'ko.

"karen!"

napatigil ako.

Dugdugdugdugdug

Lumingon ako sa likod ko dahil baka hindi naman ako ang kinakausap niya at isa pa madami ang karen sa mundo.

Nang mapagtanto ko na wala namang tao sa likod ko,tinanong ko sya ng "a-ako?" sinabi ko 'yun sabay turo sa sarili ko.

Tumawa siya at tumango."oo.Ikaw si karen di ba?"

napanganga ako.

P-paano nya nalaman pangalan 'ko?!

Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti at sabay sabi ng.."sabay na tayo."

sa pangalawang pagkakataon,napanganga na naman ako.

Nananaginip ba ako?

Please.Wag niyo na akong gisingin.

Pagkatapos niyang sabihin 'yun umalis na siya sa harap ko.Kung saan nagpunta?Hindi 'ko alam dahil hanggang ngayon hindi pa rin nagloloading sakin ang sinabi nyang sabay kami uuwi!

Natauhan na lang ako ng biglang nasa harap ko na siya at sabihing "tara?" pagkatapos niyang sabihin 'yun,nagsimula na siyang lumakad at ako naman sumunod kahit wala pa sa sarili.

SONGS STORY (COMPILATION)Where stories live. Discover now