Entry#14-Im yours by jason mraz

14 0 0
  • Dedicated to Mary rose de los reyes
                                    

requested by : Mary rose de los reyes

hope you like it,bebe girl. :D

"rose? Ano? Nakikinig ka ba?"

"opo ma.."walang gana kong sabi.

Habang nanenermon si mama..Tango lang ako ng tango..Habang pinapakinggang ang paborito kong singer.

Nagtatanong kayo kung bakit di napapansin ni mama ang earphone ko?Madali lang natatakpan lang naman ng buhok ko plus itim pa ito kaya 'di talaga nahahalata.

Pinahina ko ng kunti para malaman kong tapos na..

"wag ng maulit ito mary rose.Ok?Dahil kapag naulit pa.. talagang itatapon kita sa probinsya at 'dun ka mag-aaral!"

"oo na po." sabi ko.

haist.

Umalis naman si mama pagkatapos,akala ko hindi na matatapos ang seremonyas ni ina.

Umakyat na lang ako sa kwarto at kinuha ang gitara at nagstrum.

Ok.Kaya ganun na naman si mama dahil bagsak ang grade ko sa iba kong sub.Sa c0llege.Siguro dalawa din 'yun..Kakatamad naman kasi,kaya lagi akong tulog sa history at business math.Heloo? Anong konek ng history at business math sa hotel services? =____=

Inilapag ko na ang gitara sa gilid at nahiga na..

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng biglang magring phone ko.

"what you want."walang gana kong sabi.

(Rox.Pag-usapan naman nat--)

"no.Ang tapos ay tapos.. pag-usapan man,di na maibabalik.So kung ako sayo.Tigilan mo na 'ko.nagmumukha ka ng tanga." at enend ko ang call.

Tsk.That guy was so annoying! Break na kami pero bakit gusto nya pang makipagbalikan.Ang tanga lang eh.. Pwede naman sya maghanap ng iba ang dali lang nun..ganun naman ang mga lalaki hindi ba?Ang bilis makahanap.

Pinikit ko na ang mga mata ko.

Tss.Sakit sa ulo talaga.

Kinabukasan

"rose, naayos ko na ang dapat ayusin sa skul mo,ang kailangan mo na lang ay attendan ang dalawang subject na 'yun At wag mong balaking wag pasukan dahil my eyes on you.."

napailing ako..

Itinuon ko na lamang ang pansin sa supah delicious na pancake na nasa harap ko.

"ma! Kailan ako papasok?"sabi ko habang kinakain yung pancake.

"SA SATURDAY!"

"naman! Eh ma,may guitar lesson ako dun.."nakasimangot kong sabi.

"haaynaku, eh sa pinsan mo lang naman nagpapaturo ka.."

"eh malayo naman ."

"wag mo ko..Sa pang-apat na bahay lang naman ang bahay ng pinsan mo.Tigilan mo ako sa excuses mo,mary rose."

"fine." rox ma not mary rose.

hindi naman sa ayaw ko ang pangalan ko pero mas gusto ko ang rox. masyadong pangbabae ang pangalan ko.=_____=

naman! Nakakatamad nga eh tapos magsusummer class pa 'ko! Asar talaga. sa beach sana ako ngayon kasama ang barkada at nagpapakasaya.Tsk!

Saturday.

"hi.Klasmate ba kita?"

nakasimangot akong lumingon sa kanya.

"nandito tayo sa harap ng room 2.Naghihintay na magbukas.Kaya malamang sa malamang magkaklase tayo." binalik ko ang tingin sa phone ko at sinaksak ang earphone.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SONGS STORY (COMPILATION)Where stories live. Discover now