CHAPTER 4

19.1K 261 31
                                    

ERIN'S POV

Narito ako ngayon sa isang mall. Namimili ng mga kailangan namin sa bahay at siyempre mga pagkain. Oo nga, mga kailangan diba?

Naalala ko na naman si Red! Akala niya ah! Miss naman ako, ayaw pa aminin.

Ilang sandali pa ay natapos na rin ako sa pamimili, binayaran ko na rin ito. Ang dami kong bitbit!

Pinara ko agad ang taxi na nakita ko. Alangan pumara ako ng hindi ko nakita? Eme.

Sumakay na rin ako nang tumigil ito sa harap ko.

Ilang sandali pa ay nakarating na rin agad ako sa bahay. Magbabayad na sana ako nang makitang titig na titig 'yong taxi driver sa bahay at titingin sa 'kin! Problema nito? May balak pa ata eh!

"Ma'am? Dito ba kayo nakatira?" Takang-taka na tanong niya. Tiningnan ko naman ang bahay bago uli tumingin sa kaniya.

"Opo, manong. Problema?" Tanong ko.

"Wala naman. Sige, ibaba na natin ang mga dala niyo at baka hinahanap na kayo ng amo niyo." Nagulat ako sa sinabi ng taxi driver na ito.

Punyemas! Ano raw? Ako? Katulong? Taena pigilan niyo ako! Mukha ba akong katulong?

"Ahh, hindi po ako katulong. Hehe." nakangiting sambit ko. Isa pang pagkakamali lagot ka sa 'kin!

Tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa. Aba nga naman! Nainsulto ako roon.

"Haha! Kayo talaga! Ang galing niyong magbiro. Sige na, tulungan niyo na ako rito." sabay turo niya sa mga pinamili ko.

Aba't! Gagawin pa akong tagapagbuhat ah! Kakalbuhin ko na ito! Teka kalbo na pala! Arrgh!

Nginitian ko na lang ang kalbong gurang na ito. It's okay, Erin. Matanda na si Manong. Ikalma mo 'yan.

"Sige po, kalbo este manong. Tulungan na po kita riyan, kahiya-hiya naman sa 'yo." nakangiting usal ko. Hindi naman ito umimik at binuhat na ang ilan sa pinamili ko papasok sa labas ng gate.

Nang matapos kami. Agad kong kinuha 'yong pambayad at inabot sa kaniya.

"Salamat po, manong."

Tiningnan niya naman ang pera sa palad niya. Ano na namang problema?

"Teka, Ma'am. Bakit 50 pesos lang ito? One hundred dapat ang babayaran niyo. Ganito ba ang ibinababayad mo sa isang taxi driver?" Aniya. Nagulat ako.

Aba nga naman! Demanding si manong! Gosh! Aba eh kung hindi mo ako nilait-lait, edi sana 500 pa 'yan.

"Manong, diba po katulong lang ako? Pasensya na, wala akong pera." Nakangising sambit ko saka tumalikod at iniwan siya doon. Haha! balakadiyan!

Pagpasok ko sa bahay, nadatnan ko si Red na abala sa laptop niya. Kanina pa ito rito ah?

Binuhat ko na lamang ang mga pinamili ko papasok sa kitchen. Bumalik agad ako sa pinto at kinuha ulit ang iba pang pinamili ko saka dinala ulit sa kitchen. Pabalik-balik lang ako! Diba shunga?

"Hey, what are you doing?" Gulat akong napalingon kay Red nang magsalita ito.

Narito pa pala ito? Kala ko nakain na ng laptop niya. Tutok na tutok kasi eh!

"Uh? Binubuhat ang mga pinamili?" Patanong kong sagot.

Iniripan niya naman ako. Oh diba? Taray! Bading 'yan eh! Una pa lamang, duda na ako.

"Stupid girl." sambit niya.

Aba ikaw ang stupid! Kita mo naman, nagtatanong pa!

Tagaktak na ang pawis ko sa kabubuhat at siya paupo-upo lang! Huwag siyang paloko-loko baka mapainom ko ang pawis ko sa kaniya! Haha! Charot.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon