CHAPTER 43

13.9K 218 10
                                    

ERIN'S POV

Parang akong naestatwa habang nakatingin sa isang taong ang tagal kong hindi nakita.

Bakit nagpakita ka pa?

Nanatili ang mga mata ko sa kaniya habang siya ay papalapit sa'kin. Titig na titig siya na tila hindi makapaniwalang narito ako. Halata ang pagkagulat sa kaniyang mga mata.

Gusto kong tumakbo at iwanan ang lugar na 'to pero wala na akong kawala. Nasa akin ang lahat ng mga mata ng tao rito.

Badtrip.

Hindi ko inalis ang tingin sa kanya, ganoon din naman siya. Nanghihina ako, hindi ko alam na ganito pa rin ang mararamdaman ko kapag nakita ko siya.

Huminga ako ng malalim nang makalapit ito sa'kin. Napasinghap pa ang lahat nang magtitigan kami sa malapitan.

Titig na titig siya sa'kin. Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Gusto kong yumuko dahil nakakailang na.

Kalaunan, ngumiti siya at malakas na bumuntong hininga. Napadako ang mga mata ko sa hindi mapakali niyang mga kamay, sanhi na kinakabahan siya. Napailing ako at hintay siyang magsalita.

"H-Hi." paunang sabi niya. Tiningnan ko lang siya at hindi nagsalita. "K-Kumusta?" Pinilit niyang ayusin ang pagsasalita pero hindi niya nagawa.

Pumikit ako at nang magmulat ay nagtama ang paningin namin.

"K-Kumusta ako?" Unang salita ko pa lang ay pumiyok agad ako. Pinilit kong ayusin ang boses. Umubo ako kunyari. "T-Tinatanong mo sa'kin, kung kumusta ako? siyempre isa lang ang sagot ko na dapat alam mo na." Nakatitig ako sa mga mata nang bigkasin ko ang huli.

Ang dami kong sinabi.

Pilit siyang napatawa. Napayuko siya at ilang sandali ay muling nag angat ng tingin. Kitang kita ko ang malungkot nitong pag ngiti.

"Nakalimutan ko, ikaw nga pala si Gaile." Nangingiting sabi niya. "Gaile na nakasama ko. Gaile na kaya ang sarili. Gaile na, alam kong malakas. Ikaw ang Gaile na 'yon."

Lihim akong napangisi. Gusto ko siyang tawanan hanggang sa mapagod ako.

Iba na ako ngayon, Darren.

"Pero hindi na ako ang Gaile na 'yon ngayon." Natigilan siya at agad na naglaho ang ngiti nang sambitin ko iyon.

Pilit akong napangiti. Napatango-tango pa.

Iginala ko ang mga mata. Napailing pa ako nang makitang naabala ko na ang birthday party ng kapatid niya.

"Sige na, masyado na akong nakakaagaw ng atensyon." akma na akong tatalikod nang magsalita siya.

"B-Bakit hindi mo sinagot ang mga tawag ko? ang mga text messages ko? ang mga emails ko sa'yo?" Natigilan ako. 

Dahan dahan akong lumingon sa kanya na ngayon ay titig na titig sa akin.

"Kailangan ko pa ba 'yong gawin?" Mariing tanong ko.

Hindi makapaniwalang napatulala ang lalaki. Saka ito sarkastikong tumawa.

"Of course, Gaile! Kailangan mo 'yong gawin. Dahil obligasyon mo 'yon sa'kin." Tumaas ang boses niya. Ikinagulat ko iyon.

"What? Obligasyon ko 'yon?" Sarkastiko pa akong natawa. "Sige, sabihin nating tama ka, pero ikaw na mismo ang pumutol sa koneksyon nating dalawa." Dagdag ko.

"Hindi ko iyon pinutol. Alam mo 'yan." Mariing aniya.

"Hindi mo pinutol? Ano lang? Nginatngat mo, ganoon?" Panunupalpal ko dahil naiinis na talaga ako. Napailing ang lalaki.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon