Nakayuko ako habang naglalakad ng mabilis.
Ayokong may makakita saking umiiyak. Ano nalang ang sasabihin ko? Na may isang malaking alikabok na napunta sa mata ko na nagngangalang Dame?
Bwisit na luha to, ayaw tumigil. May plano pa atang punuin ang Angat Dam.
At dahil sa hindi ko makita ang dinadaanan ko, may nabangga ako. Grabe. Cliché day ba ngayon. Puro cliché ang ganap ah.
Tumabi nalang ako at aalis na sana ng hindi na nagso-sorry pero hinawakan niya ko sa kamay. Napakunot ang noo ko at tinignan ang mapangahas na humawak sa aking kamay. Only Belo touches my skin, remember that.
Lalong napakunot ang noo ko nang makita kong ang pinakamabait na taong nakilala ko pala ang humila sakin.
"Umiyak ka ba? " tanong niya.
"Sinisipon lang mata ko. Tabi na jan. "
Aalis na sana ako pero pinigilan niya ako. Nahahigh blood na ako sakanya. Kating kati nako mag emote dito eh.
"Can you just fcking let go of me already? I'm not in the fcking mood to fool around with you. "
I tried to wriggle free of his hand pero ang higpit ng hawak sakin eh. Lumapit ako sakanya at susuntukin na sana pero nahuli niya kamay ko.
"Leche naman oh. Ano bang problema mo?"
At dahil sa frustration ko ngayon, mas lalo akong naiyak ngayon. Keber na nga lang.
I was expecting him to make fun of me but what he did was so flabbergasting that it made me freeze.
And that's when it all started.
BINABASA MO ANG
Taking the Risk
JugendliteraturTake the risk and don't be a wussy. Life is short to live with regrets.