*Tv turns on*Binuksan ko ang tv pero wala talaga akong balak manood, mag-cecellphone lang talaga ako.
Humiga ako sa sofa at binuksan ang phone, baka pag nakita na naman ako ng kapatid ko, bulyawan ako na aksayado ako sa kuryente, nakikinig naman kasi ako pero hindi lang ako nanonood.
Hanggang sa maagaw yung atensyon dahil sa balita na narinig ko mula sa tv.
"Isang hindi maipaliwanag na nilalang ang nakuhaan ng video ng isang vlogger na umano'y nagdodocumentary sa isang rainforest;"
Huh?
"Hindi malinaw ang pagkakakuha sa nilalang ngunit nangamba ang vlogger na isipin ng tao na ito ay edited o para mag-papansin lang..."
*Tv turns off*
Puro kalokohan talaga mga balita ngayon, may maibalita lang kahit walang sense, go padin sila. Ayan tinurn-off ko ang tv at nag-cellphone nalang nang tuluyan
Pag bukas ko naman ng facebook, yung video ng vlogger ang nagkalat sa newsfeed, hay nako, society nga naman, ang dami na agad nagshare yung iba feeling takot na takot na OA yung iba feeling video expert.
"Ate!!!!" Sigaw ko
"Ate! Samahan mo 'ko labas tayo!" Sigaw ko sa kanya
Hahahaha! Sorry!
Nakalimutan ko mag-introduce ng sarili,
I'm a girl named sierra, yup! Sierra talaga hindi yung bulubundukin ha? Sierra Castillo ang pangalan ko, 18 years na ko nangungunsumi sa earth, biro lang, 18 years old na 'ko at kumukuha ng course sa college na animation. Mahilig ako mag-drawing at frankly, hindi sa pagmamayabang I'm good at it, and I'm the best there is at what I do.
Sad to say na matagal na 'kong ulila sa magulang at kaming dalawa nalang ng ate ko ang nagtutulungan, sinusuportahan niya ako sa studies ko at someday alam kong makakabawi din ako sa kanya.
Ate ko na ang nag-alaga sa'kin since I was born, months old palang ako nung nawala daw sila mama at papa, kaya wala akong ideya kung ano itsura nila.
Simple lang akong tao, kung matino ka, matino ako sayo, pero kung pangit ang ugali mo towards me, mas papangitan ko ang ugali ko towards you.
I'm not a fairy tale type at hindi ako naniniwala sa fantasy.
So, moving forward...
"Ate! Bumaba kana kasi dyan, lilibre naman kita!" sigaw ko ulit.
"Eto na." Sagot niya habang natakbo pababa ng hagdanan.
Grabe, tawag ako nang tawag sa kanya hindi siya nasagot pero nung sinabi kong ililibre ko siya nakasagot agad, hahahaha! Iba talaga nagagawa ng salitang "libre kita".
"Gabi na kasi ano bang bibilhin natin?" Tanong niya.
"Wow ate, lilibre na kita nag-complain ka pa ah hahahaha!" sagot ko naman.
"Baka kasi pag-tripan tayo sa labas eh." Pag-reklamo niya pa.
Akala mo naman talaga may magti-trip sa'min eh wala na ngang tao nang ganitong oras sa'min.
"Edi tadyakan natin, yan ang hirap sayo 'te kulang ka sa tapang." Sabi ko.
Natawa nalang siya at hinampas ako sa braso.
Habang naglalakad kami ng ate ko, napansin namin na sobrang liwanag ng buwan at bilog na bilog, medyo namangha kami at napatitig sa ganda at liwanag ng buwan,
Pero bigla nalang may nag-static na picture sa utak ko, paputol putol at hindi ko mapicture-out.
"Era! Okay ka lang?! Hoy!" Pagyuyugyog niya sakin habang ako nakapikit at nakasabunot sa buhok ko...
"Ateeeee!!! Ang sakiiiiit!!!" pagdadaing ko,
Hanggang sa bigla nalang ako mawalan ng malay...
End of Chapter 1
BINABASA MO ANG
Guardian: The Moonlight
Science FictionIn a world that is full of mystery, A girl is task for a mission that she will forever take responsibility.