III. Signs

10 0 0
                                    


Isang linggo ang lumipas,

Halos mamatay na 'ko sa sobrang boring sa bahay dahil nga sa ayaw muna ako palabasin ng ate, araw-araw wala kaming ginawa kundi manood ng mga movies, kalahati siguro ng latest movies napanood namin.

Isang beses naman naglinis kami ng bahay, dahil pareho kami walang alam sa paglilinis hindi namin alam kung saan magsisimula, ang alam lang namin, mag-walis, mag-hugas ng pinggan, hahahaha! Pero kung sasabihin mong general cleaning? Wala kaming alam dyan, kwarto ko nga sobrang gulo eh.

At eto nga, balik na naman sa dating gulo ang bahay namin, nagkalat na naman ang mga gamit, parang hindi kami naglinis hahahaha!

Naglinis kami pero tumagal lang for 1 hour hahahaha!

And here I am, nasa classroom at naghahabol ng lectures kasi nga 1 week akong nawala, sinabi ko nalang na nagkaroon ako ng trangkaso at naniwala naman sila.

"Chubs! Mag-lunch muna tayo, mamaya na 'yan." Pagyayaya ng bestfriend ko,

Her name is Sandie, childhood bestfriend ko na siya, magkasama kami lumaki mapa-school o bahay pa 'man.

Chubs ang tawag niya sa'kin dahil inaasar niya ako na chubby daw kahit hindi naman ako mataba o chubby whatever...

"Pag sinamahan kita kumain mahahabol ko ba 'tong mga lectures na 'to?" Tanong ko sa kanya,

"Eh kung kumain ka kaya muna para hindi sabawin 'yang utak mo, nagpapaka-stress ka diyan, madali lang naman habulin 'yan, halika na." Sabi naman niya,

Tama naman siya, mas lalo akong maii-stress kung hindi ako kakain, besides, gutom nadin naman ako.

Pagdating namin sa canteen, umorder na agad kami ng rice meals, matapos 'non ay umupo naman kami agad at kumain,

"Era, ano ba kasing nangyari bakit isang linggo ka nawala?" Nakahanap ako ng opening sa tanong niya,

"Baliw, hindi kaya ako nawala, nasa bahay lang ako at tinatrangkaso." Pamimilosopo ko namang sagot.

Bigla nalang nagsalubong ang kilay niya habang nginunguya yung laman ng bibig niya, napatawa nalang ako at napailing.

Pero bigla nalang ako natulala...

Sa kabilang table sa likod ni Sandie ay may weirdong lalaki na nakatingin sa'kin,

Nakabalot siya sa parang kumot na ewan at naka hoodie style.

Nagtititigan lang kami nang biglang nag-iba ng kulay yunf left eye niya.

Hindi ko alam kung matatakot ako, bigla ko nalang niyaya si Sandie na umalis at bumalik sa room.

"Teka chubs ano bang nangyari? Ba't pawis na pawis ka?" Tanong niya sa'kin,

gusto ko sana sabihin sa kanya lahat ng ka-weirdohan na nangyayari sa'kin lately, kaso baka tawanan niya lang ako at di maniwala.

"Wala, nainitan lang ako sa canteen, kilala mo naman ako, naiirita ako kapag napapawisan." Pagpapalusot ko.

"Ang arte mo talaga, bunutan kita ng buhok sa ilong d'yan eh." Pagbibiro naman niya.

Ako?

Lalo 'yata sinabaw ang utak ko dahil sa nakita kong 'yon,

Yung left eye niya parang naging mata ng hayop, di ko alam kung anong tawag sa hayop na may ganong uri ng mata,

Hay! Ewan! Siguro nag-iilusyon lang ako, tyaka baka gawa nadin ng gutom, kanina pa kasi akong umaga nag-susulat at nag-seself study, kaya siguro nag-hallucinate na ako.

Guardian: The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon