Hoy diary,
Hindi talaga ako makagalaw nang hinatak ako ni Le Men mula kay Siga at ang gago mukhang galit sakin dahil kanina pa nakasimangot habang tumatakbo kami.Nakarating kami sa bahay nila at pinatuloy niya ako sa loob.Walang imikan dahil natatakot ako sa itsura niya.
"Ito damit, maligo ka na sa taas"
Medyo nailang ako kasi bigla niyang hinubad yung pangitaas niyang damit para makapagpalit.Err Awkward.
"Ahm ok" Wala daw yung parents niya nasa probinsiya daw nila,only child pa naman ito at wala silang katulong kaya solo naming dalawa yung bahay.
Nakapagpalit ako doon sa CR ng kwarto niya.Astig nga ee lalaking lalaki yung dating.
Pagkababa ko nakita ko siyang nagluluto ng hapunan namin.Errr bakit di ka pa tumatakas Di-ann?
"Ahm, Le.Bakit mo pala ako pinapunta dito,may sasabihin ka ba? Kailangan ko na kasing umuwi"
"Mamaya na Di.Kumain ka muna at ako na ang maghahatid sayo" Ramdam ko yung coldness niya in me.What's happening ba? Ako na pretty is naguguluhan.
Nagluto siya ng tinola diary,Shetness lang! Ang sarap sarap niyang magluto.
"Ang sarap mo pala magluto"
Wala akong nakuhang sagot sa kanya diary,confirm nga na galit ito sakin? Sa turon parin ba? Di maka moveon si Koya?
Pagkatapos kumain nagprisinta akong maghugas ng plato pero hindi na daw nakakahiya daw sa bisita.
Napalibot ako sa buong bahay nila diary,inuna ko sa bodega.Chos lang syempre inuna ko sa sala.Nakita ko sa mga picture frame na nakasabit sa ding ding yung parents niya.Hihihi so pretty ng Mommy niya at ang pogi lang ng daddy niya *.* Hindi naman sila ganoon kayaman kaya nagpublic lang siya.
"Tara dito" Nakita ko siyang umupo sa sofa nila.
Kinakabahan akong lumapit sa kanya diary.Shetness na malagkit!
Napaupo ako malayo sa tabi niya pero hinila niya ako papalapit sa kanya kaya nakayakap siya sakin ngayon.Hihihihi.Ako na ang pretty na kinikilig."Yan dito ka"
"Bakit?" Hindi na ko pumalag diary,sawang sawa na kong lumayo sa kanya.
"Di-ann..." malambing niyang sabi sakin,yung parang walang galit diary.
"Bakit?"
"Bakit ang daya daya mo?"
"Ha? Ako madaya? Naka katol ka ba Le?"
