Chapter 51

357 15 3
                                    

Sharlene's POV

excited na akong surpresahin si jai, yohooo! makikita ko na ulit sya!

nandito na ako sa harap ng gate,pero di masyadong malapit, medyo may distansya.

shar calling mika...

s: mikang, nasaan na kayo? si jai?

m: pasensya na shar ha, may tinatapos lang,pababa na din ako. pero sa tingin ko naka baba na si jai , nasa may gate na yun.

s: a ganun ba?

m: oo , nakita mo na?

s: oo, parang , di kasi ako medyo nakakalapit e.

m: lapitan mo na! yiieee, sige sige pababa na din kami

call ended...

tatawagin ko na sana sya pero biglang lumapit si mille sa kanya, parang nag-uusap silang napaka seryoso, wala lang naman sa akin yun, kasi nga magkaibigan sila, pero noong niyakap na ni mille si jai, sumisikip ang dibdib ko, di ko pa naman alam kung bakit sila nagyayakapan pero bigla nalang tumulo ang luha ko. maya-maya ay hinalikan ni mille si jai sa pisngi, di ko na napigilan, ang sakit, kaya tumakbo na ako, mukhang ako yata ang nasurpresa.

"SHAR?!" - mika

"shar?!" -jai, tumakbo ako at pumara ng taxi, hinabol nya ako kaso di ko kayang kausapin sya, buti nalang at hindi traffic at deretso ang byahe ko pauwi.

"be, nakausap mo na sya? teka-- bakit ka umiiyak?" tanong ni ate kath sa akin.

"ah, wala lang po ate. sige magbibihis po muna ako." dumeretso ako sa kwarto ko.

urghhh, ano ka ba shar! sa pisngi lang naman e. wala lang yun. ganyan talaga pag magkaibigan. pero magkaibigan din naman sila ni mika ah, bakit hindi hinahalikan ni mika si jai?... kasi alam nyang may girlfriend, e alam din naman ni mille ah! urgggh! wag OA shar! erase erase, wala lang yun. NORMAL lang talaga yun.

"shar, sa tingin ko, kailangan nyong mag-usap ni jairus, nandun sya sa ibaba naghihintay" sabi ni ate sa akin. di ko pala na lock ang pintuan.

"ate, pwede wag muna ngayon?" ayaw ko pa kasi e.

 "wag mo nang patagalin, masasaktan ka lang ng husto. kausapin mo na sya at alamin mo. okay? alam kong walang ginagawang masama si jai, mabait yun.kaya sige na mag-usap na kayo."  tama din naman si ate .

"sige po." sagot ko. pagbaba ko nandun sya halatang worried ang mukha.

"hi." tipid kong sabi

"shar, sorry. wala lang naman talaga yun e, yung nakita mo?." sagot nya sa HI  ko. 

"ano ba nakita ko?" sabi ko, as if wala akong nakita

"huh? e bakit ka tumakbo?" tanong nya. confuse na confuse ang mukha

"kasi e-susurprise sana kita, kaso kinakabahan ako kaya tumakbo ako.sayang di kita na surpresa!" ako.

"bakit , ano ba nangyari sa inyo ni mille kanina?" tanong ko

"ahh,yung, yung.."

"ahh, hinalikan ka nya sa pisngi?, OKAY lang yun no! ganyan naman talaga kapag FRIENDS diba?" -_- nginitian nya lang ako

"uhm, shar, kamusta ka na? saan ka pala galing? bakit biglaan kang nawala?" sunod-sunod nyang tanong. urggh, bakit parang mahirap magsalita ngayon?

"uhm, uhm. ahh, kasiiii, bukas ko nalang sasabihin sa iyo. PROMISE. magpahinga ka na baka pagod ka na." sabi ko sa kanya

"shar." tapos bigla nya akong niyakap ng napakahigpit. Namiss ko to,itong yakap ng lalaking ito. iba talaga pag sya ang yumakap , nawawala lahat ng pagdududa at pagod ko.

"OH, MR. AQUINO, masyado na pong mahigpit di na ako makahinga." sabi ko

"Ako nalang ang hihinga para sa iyo, MRS. AQUINO." ano daw? mrs. aquino? *togs togs togs, kinikilig na naman ako

"anong MRS. AQUINO? BINIBINING SAN PEDRO PA PO AKO. IPAPALALA KO LANG POOO" sabi ko

"sige po binibining san pedro, pero sisiguraduhin kong sa susunod magiging MRS. AQUINO ka na." uhhhhhhhm, jaiii.

"JAI, TAMA NA , MASYADO MO AKONG PINAPA-ASA." sabi ko

"di kita pina-paasa, pangako ko sa iyong magiging mrs. aquino ka." dagdag pa nya

"sige na nga. pangako mo yan ha?" ako

"PROMISE." sabay hawak ng kamay ko at hinalikan nya ito..

namiss ko ang lalaking ito! sya at sya lang ang mamahalin ko MR. JAIRUS REUEL BALAGTAS AQUINO. 

Grow Old With You (JaiLene Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon