II

14 1 0
                                    

KABANATA II

Napagdesisyunan kong lalabas ako ng palasyo ng walang nakakaalam. Mas mabuti ng walang makaalam kahit pa ang mga kawal na may alam tungkol sa pagsuway ko kay Ama ay hindi ko na pinagsabihan.

Mula ngayon hindi ko na sila idadamay. Hindi ko na dapat sila dinamay noon palang dahil lang sa kagustuhan kong makakita ng liwanag doon sa labas ng palasyo.

Nagbihis ako ng hindi pormal na damit at lumabas ng silid. Maswerte lang at walang mga palakad lakad na kawal at tagapagsilbi sa pasilyo. Abala ang lahat at mukhang may pagtitipon-tipon ring magaganap mamayang gabi kaya't ngayon pa lang aya nagaayos na sila.

Tamang tiyempo at makakagalaw ako ng maluwag na hindi nagiisip ng kung ano-ano. Hindi ko rin kinakailangan na makiisa sa pagtitipon na magaganap. Sa palagay ko ay isa lamang iyong okasyon sa pagbisita ng matataas na opisyales dito sa bansa namin na kailangang masinsinang makausap si Ama at hindi ako sakop non. Sa madaling salita, sila lang ang marapat na makaalam.

Mabilis akong nakalabas kasama ang kabayo kong si Liro ng walang nakakapansin sa akin. Mas hinila ko pa ang tali ni Liro at inihampas iyon para mas mabilis kaming makaalis at makalampas sa palasyo.

Nang matanaw ko na ang bayan muli kong pinabilis ang pagtakbo ni Liro. Ilang sandali ay abot kamay ko na ang bayan kaya't pinabagal ko na ang pagpapatakbo kay Liro. Naisipan kong dalawin ang tatlong bata at ang dalawang batang babae lang ang nadatnan ko, wala ang kuya nila.

Huminto ako at bumaba sa likod ni Liro at tinali siya sa puno.

"Huwag kang magkukulit Liro, babalikan kita dito."

Pagkatapos non ay pinuntahan ko na ang dalawang magkapatid. Pinagmasdan ko sila at binagalan ang paglalakad. Mabilis na nakuha ng ngiti sa mukha nila ang atensyon ko. Hindi mo na mababakas ang lungkot at pagkagutom sa mga itsura nila, tila nagawang pawiin ng pagkaing dala ko ang lungkot na kahapon lang ay nakaguhit sa madudungis nilang mukha.

Nang makalapit ako mabilis nila akong natanaw. Noong una ay kumunot ang maliit nilang noo na para bang inaalala kung sino ako at ng magawa nila ay unti unting umaliwalas ang mukha nila at nagtatatakbo palapit sa akin.

"Kuya!" Sigaw nilang dalawa.

Umupo ako para maabot nila ako. Medyo bumubuti narin ang lagay ni Suki.

"Kamusta kayo?" Tanong ko at saka nilawakan ang ngiti.

"Mabuti naman po. Maraming salamat po kuya sa ibinigay niyo pong pagkain."

"Nabusog po kami, ang sarap po ng tinapay na iyon, ngayon pa lang kami nakatikim ng ganong klase."

Sagot nilang dalawa at ngingiti-ngiti.

"Mabuti naman kung ganon." Nasabi ko na lang at marahang hinila sila pabalik sa silong at umupo doon. "Nasaan nga pala ang kuya Soya niyo?" Tanong ko sa kanila habang pinagmamasdan ang kabuuhan ng silong na tirahan nila.

Bumaba ang tingin ko sa kanila ng hindi agad sila nagsalita.

"Si kuya Soya kanina pa siyang umaga umalis." Simula ni kora. "Pero hapon na hindi pa siya bumabalik." Lumungkot ang mukha nilang dalawa, na para bang nagaalala.

ENDLESS (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon