III

10 1 0
                                    

KABANATA III


Napagdesisyonan kong hindi muna uuwi ng palasyo. Hindi ako mapapansin ni Ama, dahil abala ito kaya malaya ako at mapapanatag na rin na walang inaabalang Amang pagbabawalan ako sa gusto ko.

Natulog ako katabi ang magkakapatid. Pero bago pa man ako makatulog pinagmasdan ko ang tatlo.

Buti pa sila nakakayanan nilang matulog sa malamig at matigas na higaang ito. Nakakayanan rin nilang sila lang at walang mga magulang na kasama. 

Tulad ko rin sila ang kaibahan lang sila ulila nang lubos ako ulila sa Ina, sa atensyon at sa pagmamahal ng isang Ama, nar'yan nga ang isa sa mga magulang ko pero hindi ako magawang bigyan ng atensyon at hindi ko man lang naramdaman ang pagmamahal galing sa kanya na tanging kay ina ko lang naramdaman at siya lang ang nakapagparamdam non.

Iniwas ko na ang tingin sa tatlong natutulog at ipinikit ko na ang aking mga mata.




Kinaumagahan na una akong magising sa kanila. Nang tumayo ako nagulat ako dahil bumangon si Suki. Gising na rin pala siya.

Muli akong nagulat ng bigla itong humikbi, mahina lang iyon na parang ayaw niyang may makarinig sa kaniya. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako napansin.

Gusto ko siyang patahanin pero natigilan ako ng magsalita ito.

"Ina ko? Bakit mo kami iniwan nila ate at kuya?" Humihikbing saad niya.

"Bakit kailangan niyong mamatay Ina?" Muli na naman niyang saad. Humihikbi siya pero klaro pa rin ang mga salitang binibitawan niya.

"Suki?" Tawag ko sa kanya na biglang nagpatahimik sa hikbi niya. Nakita kong pinunasan niya ang mata niya bago siya humarap sa akin.

Pero kahit na punasan niya iyon hindi niya maitatago sa akin ang lungkot na sumisilay sa mga mata niya.

Hindi ko maisip na sa ganitong edad ay ganito na ang kanyang pagiisip na dapat ay wala siyang alam sa mga ganito at nagtatanong lamang. Pero hindi. Ganito ba talaga ang nagagawa ng damdamin na pati ang isang inosenteng batang ito ay kaya ng damhin ang lungkot ng hindi naguguluhan kung bakit niya iyon nararamdaman..

Pareho kami ni Suki. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Nararamdaman ko ang pait at lungkot na nararamdaman nito dahil maging ako ginagawa rin noon at hanggang ngayon ang ginagawa niya ngayon.

"K-kuya.. n-nagising ba kita?" Tanong niya.

Ngumiti ako para sabihing wala siyang kasalanan.

"Siguradong ginawa ng mga magulang niyo ang lahat para lang hindi kayo ang mapahamak." Nasabi ko na lang.

"Kuya? Umiiyak ka rin." Puna niya sa luhang dumaloy sa mukha ko.

Ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan ng bumitaw. Muli akong ngumiti upang pagtakpan ang lungkot. 

"Luha ito ng pagmamahal, Suki. Dahil kapag lumuha ka ng dahil sa taong mahal mo ibig sabihin non nag mamalasakit ka at kaya ka lumuluha kasi mahal mo siya at ayaw mong mawalay siya sa tabi mo." Naluha na rin si Suki na para bang naintindihan ang malalim kong pagpapaliwanag sa kanya.

May pagkahinog  na ang isipan ni Suki na hindi mo aakalain sa isang batang na sa limang taong gulang pa lang.

"Suki? Umiiyak ka na naman ba?" Isang boses ng babae ang narinig ko.

Hindi iyon ang ate ni Suki na si Kora dahil tulog pa ito, pati ang kuya niyang si Soya. Napatingin ako sa direksyon kung saan ng gagaling ang boses.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ENDLESS (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon