Prologue

7 0 0
                                    

"Run Iris!" ang huling mga salita na narinig ni Aphrodite mula sa kanyang ina bago siya tumakbo.

Tumakbo si Aphrodite kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha. Gusto niyang bumalik doon at tulungan ang kanyang ina na lumaban ngunit hindi niya pa lubos na magamit ang kanyang mga kapangyarihan kaya sinunod niya na lamang ang sinabi ng kanyang ina.

Habang papalayo si Aphrodite naririnig niya ang sigaw ng kanyang ina na punong puno ng paghihinagpis. Hindi niya maiwasang ibalik ang tingin sa kanyang ina ngunit ang kanya na lamang nakita ay ang pagbagsak ng katawan ng kanyang ina na wala nang buhay.

"Ipaghihiganti kita ina at magbabayad ang mga dapat magbayad" galit na saad ni Aphrodite sa kanyang sarili.

The Mysterious IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon