Chapter One

5 0 0
                                    

"What's up, kulot?"

Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Savannah nang bumungad sa kanya ang nakakainis na pagmumukha ni Juan Gabriel— ang nuisance ng kanyang high school life.

Hindi niya ito pinansin. Malapit ng mag-start ang kanilang first subject para sa umagang iyon at wala sa bokabularyo niya bilang isa sa Top 10 ng klase ang mahuli sa kahit anong asignatura, kahit Values Education pa 'yan na madalas tulugan ng kanyang mga kaklase—kabilang na ang ugok sa kanyang harapan—dahil sa mala-nobelang lecture ng pinakamatandang guro na nakilala niya sa tanang buhay niya.

Tinangkang lampasan ni Savannah si Juan Gabriel pero mabilis itong humarang sa kanyang daraanan. She side-stepped him, ganoon din ang ginawa ng lintik na lalaki. Paulit-ulit sila sa ganoon hanggang sa tuluyan na siyang na-buwisit.

"Ano ba?!" Tili niya.

Naglingunan sa kanila ang ibang estudyante na naglalakad sa malawak na quadrangle ng eskwelahan.

"Ano ba?" He mimicked her.

"Lumayas ka sa harap ko, Juan Gabriel. Malapit nang magsimula ang klase natin, ngayon, kung wala kang planong um-attend 'wag mo akong idamay," mahinahon niyang sabi dito.

Tiningala niya ito at saka humalukipkip.

Ngumisi lang ito at sa pagkagulat niya ay tinanggal nito ang suot niyang salamin sa mga mata at kumaripas ng takbo.

She should knew it. Hindi talaga siya nito tatantanan.

"Juan Gabirel, ibalik mo ang salamin ko!" Sigaw niya at saka ito hinabol.

"If you catch me, kulot salot!" Tumatawang ganting sigaw nito habang paikot na tumatakbo sa quadrangle.

Lalo siyang nanggigil sa itinawag nito sa kanya. Kailan pa naging salot ang mga kulot? Sino ba'ng walanghiya ang nagpauso no'n? Kailangan ba'ng sisihin ang genes ng isang tao sa paghihirap ng Pilipinas?

At kahit anong takbo niya ay hindi niya maabutan si Juan Gabriel. He was a soccer player and she was chubby. Kahit saang anggulo tingnan para siyang nakipag karera kay Road Runner.

"Give me back my eye glasses!" Huminto si Savannah sa pagtakbo at napapadyak sa matinding frustration.

Hinihingal na siya at nananakit na ang kanyang mga mata dahil sa panlalabo ng kaniyang paningin.

Huminto rin si Juan Gabriel sa pagtakbo. Malabo man ang kanyang paningin, nasisiguro niyang wala na sila sa quadrangle, ilong niya ang nagsasabi na nasa mini garden sila malapit sa quadrangle kung saan nakatanim ang mga paboritong bulaklak at bonsai collection ng kanilang pricipal na si Ms.Sanchez.

"Come on, Annah. Chase me. 'Wag kang huminto sa pagtakbo, magandang exercise 'yon. Mababawasan ang calories sa katawan mo," hindi na niya kailangang manghula para malamang nakangisi ito.

Ang kapal ng walanghiya na bigyan siya ng nickname. Feeling close.

"It's 'Savannah' not 'Annah'." Tinatamad niyang sagot.

"Too long ang 'Savannah', I'd prefer calling you 'Annah'."

"Fine. Call me Annah or whatever you want just give me back my eye glasses!" Naiirita na niyang sabi. "Late na ako!"

"30 minutes ka nang late. Sa tingin mo tatanggapin ka pa ni Mrs. Custodio sa klase niya? I doubt that."

Istrikto ang guro nilang iyon at malamang sa hindi patatayuin lang siya sa hallway sa buong duration ng klase nito. Pagkatapos, sasabunin siya hanggang sa maging bula siya na puputok na lang bigla.

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon