Chapter Two

2 0 0
                                    

Parang lantang gulay na lumabas ng library si Savannah. Hindi na siya nakapasok sa maghapong klase dahil sa naging parusa niya. Pinaglinis lang naman siya ng buong library. Actually, silang dalawa ni Juan Gariel ang dapat na maglilinis pero tinakasan siya ng walanghiya. Kundangan ba naman? Idinamay na nga siya nito sa kasalanan nagawa pa siyang takasan.

Nanlalantang umupo si Savannah sa nakitang mono block chair. Masakit ang mga braso niya dahil nangalay sa pag-abot ng mga libro sa matataas na shelves. Nagbuga siya ng hangin. Wala talagang naidudulot na maganda sa buhay niya ang bully na si Juan Gabriel.

"O, Savannah. Tapos ka na maglinis ng library?"

Nilingon niya ang kaibigang si Gwen na nalalakad palapit sa kanya. 

Tinanguan lang niya ito. Ni energy niya sa pagsasalita, nasaid na yata.

"Here. Uminom ka muna," inabot nito ang isang bote ng gatorade na kulay orange. Kinuha niya iyon at ininom.

"Thanks," aniya.

"Maraming notes ang na-miss mo. Pakokopyahin na lang kita, Sav," wika ni Gwen habang kumakagat sa hawak na egg sandwich.

"Hindi lang notes ang na-miss ko, ang maghapong klase. Badtrip na Juan Gabriel na 'yan. Nakakapanginig siya ng laman."

Nasamid si Gwen sa mga sinabi niya.

Alam niya ang dahilan kahit hindi niya itanong. Gwen have a major crush on Juan Gabriel, sa katunayan halos kalahati ng populasyon ng mga estudyante sa paaralan ay may crush sa lalaki at minsan sa buhay niya ay nagkaroon din siya ng lihim na paghanga kay Juan Gabriel... noon.

Sino ba naman ang hindi? Guwapo, matangkad at mayaman. Saan ka pa di ba? Talagang lilingunin ito ng sinuman ng tatlo, apat na beses kapag nasalubong sa daan. Pero hindi ang mga katangiang iyon ang nagustuhan niya dito.

Mabait ito at gentleman at minsan na niya itong naging knight in shinning armor nang minsang iligtas siya nito sa rumaragasang sasakyan sa labas ng school premises. Agad siya nitong nahila at kapwa sila bumagsak sa konkretong daan habang sapo nito ang kanyang ulo upang protektahan siya at hindi masaktan.

Nakatulala lang siya nang alalayan siya ni Juan Gabriel patayo.

"Okay ka lang? Wala bang masakit sa'yo? Hindi ka ba nasaktan?" Nasa boses nito ang pag-aalala sa kanya.

"O-oo. Okay lang... Okay lang ako."

"Are you sure? Dadalhin kita sa ospital-"

"'Wag na. Okay lang talaga ako. S-salamat." Nagawa niya itong ngitian kahit nangangatog pa rin ang kanyang mga tuhod.

That was the day when she learn to appreaciate Juan Gabriel's existence. Naging kabilang siya sa mga babaeng lihim na sumusulyap at nag de-daydream dito. Pero agad rin nawala ang paghanga niya kay Juan Gabriel nang araw-araw siya nitong pestehin at bully-hin. Kung ibang babae siguro ay matutuwa sa atensyong nakukuha mula dito kahit puro pang-aalaska pa iyon. Siya ay hindi, hindi talaga.

Napalitan ng pagkainis ang paghanga. At kahit sabihin pa ni Gwen na saksakan ng guwapo si Juan Gabriel para sa kanya ito na ang pinakapangit na lalaking nakilala niya. Habang ang ibang babae ay patuloy na nahuhumaling dito siya naman ay lalong nabi-bwisit habang tumatagal. Hinding-hindi niya ito magugustuhan. Period. Tila kinalimutan na rin kasi nito na once upon a time ay nagkaroon sila ng tinatawag na connection.

Mag-isang naglakad si Savannah ng hapong iyon patungo sa paradahan ng tricycle. Napahinto siya sa paglalakad sa partikular na kanto kinatatayuan. Hindi man niya gustong alalahanin ay kusang nanumbalik ang alaala sa kanyang isipan.

Sa mismong lugar na iyon nagsimula ang lahat. Doon siya muntik maaksidente kung hindi dumating si Juan Gabriel. 

Napasimangot siya. Nasisira ang mood niya maalala lang ang kinaiinisang lalaki, kahit may utang na loob siya kay Juan Gabriel sagad hanggang buto ang pagkabuwisit niya dito.

Ipagpapatuloy na sana niya ang paglalakad ng mapansin ang itim na CR-V na nakaparada sa kabilang panig ng kalsada. Bumukas ang pinto ng passenger seat at lumabas ang isang matangkad na lalaki. Lalong nadagdagan ang gusot sa kanyang mukha ng makilala ang bumaba. Si Juan Gariel.

May pagtatakang pinagmasdan niya ito, sa pagkakatanda niya ay naiwan sa school field ang lalaki dahil tuwing hapon ay may practice ito ng soccer. Paano ito nakarating agad sa labas? Hindi kapani-paniwala na hindi ito um-attend ng practice dahil mas gugustuhin pa nito na sumipa ng sumipa ng bola kaysa sa mag-aral ng leksyon.

Mukhang naramdaman ni Juan Gabriel na may nagmamasid dito kaya gumala ang paningin nito. Nakita siya nito at nagtama ang mga mata nila. She felt an unfamiliar sting. The way Juan Gabriel looked at her seemed different, hindi niya matukoy ang tamang tawag pero bigla siyang nakaramdam ng pagkailang. Napalunok siya. What's happening to her? 

Mabilis niyang binawi ang tingin dahil mukhang walang balak si Juan Gabriel na i-break ang contact.

Sa malalaking paghakbang ay ipinagpatuloy niya ang paglalakad.

Weird.

Her feeling was weird. Juan Gabriel was weird. His whole being seemed different. Parang may hindi tama, pero ano ang mali? Ah, ang nararamdaman niya. Iyon ang unang pagkakataon na naramdaman niya iyon and she don't know the hell was that feeling.

Sa halos araw-araw na pambubuliglig nito sa kanya pulos inis lang ang parati niyang nararamdaman kapag nakikita ito. Pero ano iyong kakaibang ligalig sa kanyang sistema? Ipinilig ni Savannah ang kanyang ulo. Gusto niyang batukan ang sarili sa mga naiisip.

"Gutom lang 'yan. Kalimutan mo muna ang diet. Ikain mo lang 'yan," bulong niya sa sarili.

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon