RomantiKatatawanan
Sania's POV
Pasukan na naman. Dahil sa excitement, nagising ako ng maaga. As in mas maaga pa kesa sa nanay ko hahaha!
Bumaba na ako pagkatapos kong maligo, okay lang naman na nakaligo na ako kasi 7:00 am pasok namin tapos 6:20 na. Mabilis lang kaya ang oras!
"Oh, Ma? Gising ka na pala?" tanong ko kay Mama nang makita ko sya sa kusina na nagluluto.
"Syempre, hindi na ako tulog"
"Ah ganon ba ma?.... May pagkain na ba?"
"Di mo ba nakikita anak? Nagluluto pa ako" ay! Sabagay hahaha!
Pumunta nalang ako sa dining table at naghintay.
AFTER 12345678910 YEARS....
"Hmmm! Ang bango naman ng niluto mo" dahil sa gutom, kumuha agad ako.
"Syempre! Nilagyan ko ng pabango eh" napahinto naman ako sa pagsubo.
"Ma?! Nilagyan mo ng pabango?"
"Joke lang" nakahinga naman ako ng maluwag.
Eto naman kasing si mama! Ang hilig magjoke!
Pagkatapos kong kumain, nag-ayos na ako ng buhok at kinuha yung bag ko.
"Ma! Papasok na ako!" sigaw ko hehehe! Nasa labas kasi si Mama, eh palabas pa lang ako.
"Sige! Ingat!"
Sumakay na ako ng jeep dahil wala naman kaming kotse. Di naman kami mayaman no!
'Ano ba yan! Ang traffic naman!'
Nakita ko sa relo ko malapit ng mag 7. Haluh! Baka malate ako! First day pa naman ngayon.
"Ah manong! Para po!" sigaw ko dun sa driver hehe. Bumaba na ako ng jeep at naglakad nalang. Malapit naman na ako eh hahaha.
Habang naglalakad ako papasok ng gate. May tatanga-tanga akong nakabungguan. Nahulog tuloy yung hawak kong libro.
"Ano ba yan! Ang tanga mo naman!" inis na inis sakin yung nakabungguan ko.
Wow ah! Sya pa nagalit! Eh sya nga nakabunggo sakin! Tss! Paanong hindi sya makakabunggo eh tutok na tutok sya sa librong hawak nya!
"Bulag ka naman!"
"Anong sabi mo?!"
"Di lang pala to bulag, bingi rin" mahina lang pagkakasabi ko nun. Baka awayin ako eh.
"May sinasabi ka?!"
"May narinig ka ba?"
"Wala! Pero parang may sinasabi ka eh"
"Oh! Eh wala naman pala eh! Edi wala! Tss! Umalis ka nga sa dadaanan ko pangit na nilalang!" tinulak ko sya pero! Aba! Malakas ang isang to! Hindi nagpatinag!
"Aba! Talagang.... Pasalamat ka kahit pangit ka hindi na ako magsasayang ng oras para patulan ka!" ano daw?! Ano daw?! Ako? Pangit?!
"Hoy! Mas pangit ka! Wag papalamang!"
Saktong narinig ko yung bell na tumunog. 'Hay nako! Ikaw ang dapat na magpasalamat! Dahil baka nabugbog na kita!'
Inapakan ko yung paa nya para umalis sya sa dadaanan ko. Malaking harang eh! Nyahahaha! Ang sama ko no?
Tumakbo ako palayo. Baka sumanib sa kanya si goku at matigok ako ng wala sa oras.
'Haharang harang kasi! Nyahahaha!'